Chapter 309Bago pa man dumating ang bellboy, muli nang bumagsak ang mga talukap ng kanyang mga mata dahil sa matinding pagod.Nagising na lang siya nang makarinig ng marahang katok sa pinto, kasunod ang boses mula sa labas."Room service po, Ma'am. Heto na po 'yung inorder ninyong gamot," magalang na saad ng bellboy.Pilit na pinilit ni Astrid na imulat ang kanyang mga mata. Mabigat ang kanyang katawan, pero pinilit niyang bumangon para buksan ang pinto nang kaunti."Salamat," paos at mahinang ganti ni Astrid habang inaabot ang maliit na paper bag. "Paki-charge na lang talaga sa room ko, ha?""Opo, Ma'am. Paki-pirmahan na lang po ito," sagot ng bellboy habang inaabot ang clipboard.Matapos pumirma ay agad na binalikan ni Astrid ang kama, isinabit muna ang plastic sa hawakan ng pinto sa loob, at tuluyang hinayaan ang sarili na lamunin ng antok.Tanghali na nang muli siyang magising. Sumilip ang sikat ng araw sa bintana, salungat sa pabugso-bugsong ulan sa labas ng hotel. Tinitigan niy
Magbasa pa