Kabanata 206 Taimtim na nakaluhod si Arturo sa loob ng lumang simbahan. Magkahawak ang mga kamay niya habang nakayuko sa harap ng altar. Tahimik ang paligid, tanging mahihinang yabag lamang ng ilang nagsisimba ang maririnig. "Lord," mahina niyang bulong, "isang pagkakataon lang ang hinihiling ko. Gusto kong maibigay kay Marian ang kasalang nararapat para sa kaniya. Iyong walang sakit, walang kasinungalingan, at walang luha. Sana maging masaya siya habang buhay sa piling ko." Napangiti siya habang naiisip ang babaeng nagbago ng buong pagkatao niya. Limang buwan nang buntis si Marian. Sa loob ng mga nakaraang buwan, wala nang ibang laman ang isip ni Arturo kundi kung paano niya mapapasaya ang asawa. Lahat ng cravings nito ay siya mismo ang bumibili. Kapag madaling-araw gusto nitong kumain ng halo-halo o mangga na may bagoong, hindi siya nagdadalawang-isip na lumabas ng bahay. Ngayong araw naman ang pinakahihintay niya. Ilang buwan niya iyong pinagplanuhan. Hindi ito simpleng prop
Read More