REVE“Hey.” Tawag ko kay Seb nang makita ko siyang kakapasok lang sa opisina niya. Kanina pa ako narito, nakaupo sa swivel chair niya habang hinihintay siyang matapos sa kung anumang inaasikaso niya. Nakapatong ang isang paa ko sa kaniyang lamesa at walang pakialam na inangkin ang pwesto niya. Hindi naman iyon bago sa aming dalawa. Sanay na siya kasi gawain niya rin naman.Simula nang magkaayos kami ni Scylla, pakiramdam ko ay unti unti ring bumalik sa ayos ang buhay ko. Hindi na ako araw araw nakakulong sa sarili kong kwarto. Hindi na rin puro trabaho at alak ang paraan ko para takasan ang mga bagay na ayaw kong isipin. I started working again. Mas naging maayos ang schedule ko. Mas naging maayos ako, at ganoon din si Scylla.Hindi ko na talaga siya pinayagang magtrabaho rito pagkatapos ng lahat ng nangyari. Ngunit kahit ganoon, madalas pa rin siyang bumisita sa bar. Minsan para makipagkwentuhan sa mga staff. Minsan para samahan ako, at kadalasan, para samahan si Ali na parang
Read more