THIRD PERSON POVMaagang nagpunta sa Montenegro mansion si Emery. Tahimik ang buong sala. Malawak iyon, malamig, at puno ng mamahaling gamit, pero sa sandaling iyon, pakiramdam ni Emery ay masikip ang paligid.Nasa harap niya si Benicio Montenegro. Nakaupo ito sa single couch habang hawak ang tasa ng tsaa. Kalmado ang mukha nito, pero may lamig sa mga mata niya na hindi madalas makita ni Emery noon.Dati, kapag nasa bahay na ito si Emery, si Benicio ang unang taong nagpaparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa. Siya ang laging nagsasabing parte na siya ng pamilya Montenegro.Pero ngayon, hindi na siya sigurado.“Nalaman ko ang nangyayari ngayon sa Armani Group,” mahinang sabi ni Benicio. “At kung paano bumalik sa kanila ang batikos.”Hindi agad sumagot si Emery. Nakaupo siya nang tuwid sa couch, mahigpit ang kapit sa bag niya.“I also saw the posts,” dagdag ni Benicio.Bahagyang nanigas ang katawan ni Emery.“Lo, kung tinawag niyo ako dito para pagalitan ako dahil lumalabas na ang tot
Read more