THIRD PERSON POVTahimik ang loob ng CEO office ng Armani Group, ngunit ramdam sa paligid ang bigat ng kapangyarihang unti-unting inaangkin ni Weston Montenegro.Nasa ibabaw ng mesa ang isang mamahaling champagne bottle. May ilang baso ring nakahanda. Sa kabilang bahagi ng opisina, nakaupo si Ravia sa leather couch, naka-cross ang mga paa habang hawak ang isang baso ng champagne. Sa tabi niya ay si Celestine Montenegro, ang ina ni Weston, na tahimik ngunit kita sa mukha ang kasiyahang matagal niyang itinago.Sa harap naman ng mesa ni Weston, nakatayo ang isang babaeng elegante, malamig ang tingin, at hindi basta-basta mababasa ang ekspresyon. Si Matilda Armani—ang stepmother ni Emery.Sa tabi nito ay isang lalaki na halos kasing edad lang ni Emery. Tahimik siya, seryoso, at may parehong lamig sa mga mata na makikita kay Matilda. Si Julian Armani—ang stepbrother naman ni Emery.“Finally,” marahang sabi ni Celestine habang inilapag ang baso sa mesa. “After all these years, Armani Group
Read more