NAPAHINTO si Kyle sa tapat ng pinto ng silid ni Loyalty. "Thank you sa pagkain, sa restaurant, at sa magandang gabi, Sir Kyle," nakangiting sabi ng dalaga. Bahagyang tumango si Kyle. "You're welcome." Sandaling nagkatitigan ang dalawa. Pareho silang tila walang gustong maunang magsara ng pag-uusap. "Good night, Sir." "Good night, Loyalty." Pihit na sana ni Loyalty ang doorknob nang muli siyang tawagin ng lalaki. "Loyalty." Lumingon siya. "Take your vitamins before you sleep." Napangiti ang dalaga. "Opo." "And don't skip your milk." Natawa siya nang mahina. "Promise." Tumango si Kyle, saka na naglakad palayo. Hindi namalayan ni Loyalty na hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin ay nakangiti pa rin siya. Samantala, si Kyle naman ay hindi agad dumiretso sa sarili niyang silid. Huminto siya sa gitna ng pasilyo at napabuntong-hininga. Hindi niya maintindihan ang sarili. Noong una, responsibilidad lang ang tingin niya kay Loyalty. Pero habang tumatagal, hinahanap na
Read more