AVERY POV Tiningnan ko si Secretary Ramos habang maingat niyang inilalapag ang mga dokumento sa ibabaw ng glass table sa sala. Naka-business suit pa rin siya, maayos ang pagkaka-pusod ng buhok, at walang bakas ng pagod kahit halatang nanggaling pa siya sa traffic ng Makati. Siya lang ang bukod-tanging pinagkakatiwalaan ni Sandro sa labas ng pamilya Tallano kapag ganitong mga usapin na ang nakataya. Ganito na ba talaga ang buhay ko mula ngayon? Napahawak ako sa braso ng sofa habang pinapanood sila. Mula sa malaking mansyon, lumipat sa safehouse sa Antipolo, at ngayon, narito naman sa isang luxury condo sa BGC. Kahit gaano kaganda at kamahal ang lugar na 'to, hindi ko pa rin maalis sa isip ko na para lang akong pusa na inililipat ng hawla tuwing may panganib. At ang mas nakakainis, wala akong magawa kundi sumunod dahil dala-dala ko ang anak namin. "Sir Sandro, nirebisa ko na rin po 'yung kontrata na iniwan ni Atty. Santos kagabi," mahinang sabi ni Secret
Baca selengkapnya