Emilyn's POV Tumikhim muna ako bago tumalikod sa kanya. Mabilis na akong nagpaalam sa kanya na maglinis muna ako ng katawan sa kwarto ko. Pagdating ko sa kwarto, padabog muna akong humiga sa aking kama. Grabe bigla akong nag-iinit sa nakita ko. Ang ganda talaga ng katawan ni sir Gabrielle. Napabalikwas ako ng bangon ng may kumatok sa pintuan. Humigit muna ako ng malakas na buntong hininga bago tinungo ang pintuan. Naputol tuloy ang pagmumuni ko. " Emilyn, kinuha ko na si Luca sa kwarto niya. Bakit nandoon si Gab sa kwarto ni Luca?" tanong ni ate Tanua, na may kasamang panunukso. " Ah, kasi ano po,Ate. Sabay kaming umakyat dito tapos narinig namin ang iyak ni baby Luca kaya sumabay din siyang pumasok sa loob ng kwarto. Nadatnan pa namin si manang Lissa." Garalgal na wika ko. " Hey, relax...nanginginig ka,Emilyn. Tinanong ko lang naman,at sinabi ma din niya sa akin ang dahilan kaya doon nalang muna siya matulog sa kama ni Luca." Tahimik lang akong tumango dahil kinaba
Read more