"Babies...meron akong binili sa inyo ito, oh,” sabay na inabot ni Ate Germaine ng tig-isa paper bag si Queendra at Quentin. “Wow…thank you po Ate Germaine,” tuwang-tuwa naman na tugon ng mga anak ko pagkatapos ay agad sinilip kung anong laman ng paper bag. Mga coloring book pala tig tatlo si Queendra at Quentin. Naging busy ang kambal kaya nilapitan naman ako ni Ate Germaine. Nang makarating siya sa tabi ko kinuhit ako hindi nakalimutan tanungin kung bakit biglang bumalik kami rito. “Nagtataka lang ako. Ito pala ang nabili ko gagamitin ko na mamaya, waah...ang ganda nito salamat, Ma'am Jhen," saad n'ya inangat pa ang paper bag na lagayan ng bag n'ya. “Ate Germaine, nakita ko ang anak ng madrasta ko,” kaya nanlaki ang mata niya balak pa mag-react ngunit nagpatuloy ako. “Mamaya ko na i-kwento sa iyo sa byahe natin papunta ng taping. Kailangan natin makauwi ng maaga baka abutin tayo ng traffic,” bulong ko para hindi kami marinig ng dalawang bata. “Nakatatakot yata iyan ah. Mala
Read more