Jhen Napakurap ako nang tuluyang makalayo si Direk Yurich. Napatanong tuloy ako kung iyon na iyon. Wala akong natanggap na lecture hehehe inaasahan ko pa naman ang mahabang sermon ni Direk, kabisado ko na kasi ang sasabhin n'ya. Focus at professionalism ang kailangan ‘wag unahin maglaro. Nagkatinginan pa kami ni Emir, kita ko sa kaniya halatang nagulat din siya, dahil umalis lang si Direk kahit siya hindi nakatikim ng kasungitan nito. “Hindi ko maiwasang hindi isipin na sinapian iyan si Direk,” saad ko bumungisngis lang si Emir kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Oh, chillax naman, Jhen. Ayaw mo pa noon bumait na sa 'tin si Direk, kaya lang parang mas lumabo ang lagay ko sa iyo nito baka mas maging crush mo si Direk,” parinig n'ya sa akin kaya pabiro ko siya sinuntok sa balikat niya. “Loko mo ma issue ka,” saad ko na lang sa kaniya. “Wait restroom lang ako,” mamaya nagpaalam si Emir. “Mabuti pa nga dahil ayaw na kitang kausap,” biro ko lang naman pero nakasimangot na siya
Read more