Leo’s POV Amoy semento, lumang bakal, at gamot ang hangin sa loob ng interrogation room—malamig, walang buhay, pero dito ko muling kahaharapin ang taong humubog at sumira sa bahagi ng buhay ko. Mahigit isang linggo na mula nang mahuli sila, pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas at pagkakataong humarap nang personal kay Don Emilio. Nasa likod ng one‑way mirror si Marco, nakabantay, pero alam kong mag‑isa lang akong haharap sa anino ng nakaraan. Bago ako umalis ng bahay, hinawakan ako ni Chloe sa pintuan. Kita ko sa mata niya ang pag‑aalala, pero hindi niya ako pinigilan. Sa halip, hinila niya ako palapit at niyakap nang mahigpit—‘yung yakap na nagsasabing babalik ka, at may naghihintay sa’yo. “Kahit gaano pa kabigat ang sasabihin niya… huwag mong hayaang baguhin ka niyan,” bulong niya, idinikit ang pisngi sa dibdib ko. “You know who you are. And so do I.” Hinalikan ko siya nang dahan‑dahan—maikli lang pero puno ng katatagan. “Babalik ako agad. Just stay close, okay?” Ngayon, nak
Read more