Kinabukasan ng umaga, mas maayos na ang pakiramdam ni Arabella kumpara kahapon. Nalagyan na rin ng gamot ang mga sugat niya sa kanyang tuhod. Dahil sa laki ng kanyang tiyan, hirap na siyang alagaan ang sarili.Buti nalang at maagang dumating ang kanyang professor na si Lhanze, may dala itong almusal para sakanya.“Kumusta ang pakiramdam mo?” bungad ng professor.Matipid na ngumiti ang babae, mas maganda ang kilay ng kanyang mukha kaysa kahapon. Hindi na siya gaano namumutla at nabalik na rin ang kanyang sigla.“Okay na po ako, maraming salamat po Sir Lhanze.”Tumango ang lalaki.“Kumain ka muna, alam kong hindi ka pa nag aalmusal.”Pagkatapos nilang mag-almusal, inilabas ng lalakiang isang itim na down jacket.“Baka malamigan ka nanaman sa labas, ito na muna ang isuot mo.”Jacket iyon mismo ng kanyang professor. Ngunit dahil mas malaki ang lalaki ay kasya naman ito kay Arabella pero mukha itong bestida sa kanya.Agad rin na na-discharge sa ospital si Arabella, si Lhanze na mismo ang n
Read more