JULIAN POINT OF VIEW Agad kaming nagtungo sa Sant Hotel. Pero hindi pa rin nagbabago. Tulad pa rin ng dati na hindi kami basta-basta nagpapakita ng mukha. Kaya may suot kaming mask. Nang makapasok kami sa hotel deretsahan kaming nagtungo sa office. Ang pribadong opisina namin. "Magandang gabi mga seniorito. Mabuti at sabay-sabay kayong pumunta ngayon. Hindi ko na kailangan magpaliwanag pa isa-isa," nakangiting bungad sa amin ni Gelo. "Sige Gelo, sabihin mo sa amin kung may alam ka sa kapatid namin," mahinahon kung tugon. "Opo, may alam ako sa kapatid niyo. Nakita ko na si Grace. At ngayon, nandito siya sa hotel." Agad kong ikinagulat ito ganun din ang reaksyon ng mga kapatid ko. "Seniorito Jackson, naalala niyo po ba ang mga batang tumulong sa inyo? Ang gumamot ng sugat mo?" Hindi ko magawang magsalita, nakikinig lamang ako. "Oo naalala ko ang dalawang bata, babae at lalaki," sagot ni Jackson. "Ang dalawang batang 'yon an pamangkin niyo." Mas lalo akong nagulat sa nar
Baca selengkapnya