**Kabanata 22: Family Date**Kinabukasan, maagang nagising si Gab. Amoy kape at toasted bread ang buong bahay. Pagbukas ko ng pinto, naka-apron na siya habang nagluluto. “Good morning, Mrs. Smith,” bati niya, kinindatan pa ako. “Good morning, Mr. Smith,” ganti ko, tapos ngumiti. “May lakad tayo ngayon,” sabi niya habang inaabot sakin kape. “Lakad? Saan?” tanong ko, kumakape. “Family date,” sagot niya, simple lang pero kinilig ako. Pagkatapos ng breakfast, nagbihis kami. White t-shirt at jeans lang suot ko. Siya naman, gray shirt at cap. “Casual lang, Ellie. Gusto ko chill lang tayo ngayon,” sabi niya habang inaayos buhok ko. “Okay, as long as kasama kita,” sagot ko, ngumiti. Unang stop namin, park. May dala siyang picnic mat at basket ng pagkain. “Naalala mo pa ba nung una tayong nag-picnic dito?” tanong niya habang inilalatag yung mat. “Oo. Kinakabahan ka pa nun. Ngayon, clingy ka na,” sagot ko, natawa. Umupo kami, kumain ng sandwich at fruits. Hina
Read more