Aella's POV Kung akala ko ay tapos na ang pagkabigla ko sa kung gaano ka-extra si Zion kapag nagpapakita ng pag-aalaga, mas lalo yata akong napa-sign of the cross nang pumasok ang buwan ng Hunyo. papalapit na ang ikatlong kaarawan ng aming maliit na commander, at bilang isang single mom na nasanay sa simpleng spaghetti, hotdog na may marshmallow, at maliit na cake mula sa Goldilocks, laking gulat ko na lang sa mga nagaganap sa loob ng mansiyon ni Zion. Biyernes ng umaga, habang si Luna ay abalang nakikipaglaro kay Duke sa malawak na garden, naabutan ko si Zion sa kaniyang study room. Pero imbis na mga business proposal o stock market charts ang nakabukas sa kaniyang dambuhalang monitor, napansin kong puro kulay pink, pastel, at mga disenyo ng mga kastilyo ang nandoon. Sa mahabang lamesa, may nakalatag na mga sample ng tela, iba't ibang klaseng imbitasyon na may gold foil lettering, at isang makapal na folder na may tatak ng isang sikat na celebrity event planner sa bansa. “Zio
Read more