Aella's POV Napakadaling sabihin na lalayo ka, pero kapag ang taong sinusubukan mong iwasan ay ang lalaking nagmamay-ari ng compound na tinitirhan mo at ang taong may hawak ng puso ng anak mo—ang bawat hakbang papalayo ay parang paglakad sa ibabaw ng mga bubog. Simula noong madaling araw na mabasa ko ang essay ni Luna, binuo ko ang isang pader. At sa unang pagkakataon mula nang maging malapit kami, aktibo ko nang iniwasan si Zion. Lunes ng umaga, narinig ko ang pamilyar na katok niya sa pinto para sa asaran naming almusal. Imbis na buksan ito nang may ngiti gaya ng dati, nanatili akong nakatayo sa likod ng pinto, pinipigilan ang sarili kong huminga nang malalim. “Aella? Gising na ba kayo? I brought some fresh pastries from BGC,” boses ni Zion mula sa labas, may kasamang mahinang katok. Huminga ako nang malalim, pinalambot ang boses ko para hindi mahalata ang panginginig. “Zion, mauna ka na. Katatapos lang naming kumain ni Luna ng sinangag. Male-late ka na sa office, sige na.” Na
Magbasa pa