Aella's POV Nakatayo lang ako sa harap niya, hinihintay na magbago ang ekspresyon ng mukha niya, na sabihin niya sa akin na nagbibiro lang siya. Pero nanatiling matigas ang panga ni Zion habang nakatitig sa frame na parang may kung anong multo siyang nakikita doon. "Zion, I am demanding an explanation right now," panimula ko, pilit kong pinatitigil ang panginginig ng boses ko. "Bakit nasa'yo ang photograph ko? Bakit mukhang luma na 'yan at halatang tinago mo talaga? Ano 'to, Zion? Is this some kind of a joke?" "Aella, please. Sabi ko sa'yo, it’s not the right time to talk about this," sagot niya, napakalamig ng tono ng boses niya. Iba ito sa Zion na nakasanayan ko. Walang bahid ng lambing, walang pag-aalala. "Not the right time? Kailan ang right time, Zion? Kapag nalaman ko na lang na buong buhay ko pala ay parang scripted dahil may alam ka na hindi ko alam?" tuluyan nang pumatak ang mga luha ko. "Look at the photo! It looks so old. Limang taon na ang nakakalipas nung taon na 'yan
Baca selengkapnya