Aella's POV Matapos ang breakfast, nanatili si Zion sa sala para tapusin ang ilang email sa kaniyang tablet habang si Luna naman ay abala sa paglalaro ng kaniyang blocks sa carpet. Sinubukan kong ituon ang pansin ko sa paglilinis ng kusina, pero bawat sulyap ko sa dalawa ay lalong nagpapabigat sa nararamdaman ko. Ang mga napansin kong hawig sa ngiti nila kanina ay simula pa lang pala. Habang pinapanood ko sila, nagsimula kong mapansin ang mga shared habits na dati ay hindi ko binibigyan ng kahulugan. Unang-una, kung paano sila maupo. Si Zion ay nakasandal sa sofa, nakataas ang kanang binti sa ibabaw ng kabilang tuhod habang ang kaliwang kamay ay nakapatong sa gilid ng sandalan. Noong mapagod si Luna sa paglalaro, umakyat siya sa sofa at naupo sa tabi ni Zion. Sa eksaktong paraan din, isinandal ng anak ko ang kaniyang maliit na likod, itinaas ang kaniyang kanang paa, at ipinatong ang maliit niyang siko sa hawakan. They looked like a mirror image of each other. "Luna, pick up your
Read more