Aella's POV Habang lumilipas ang mga araw at unt-unting natutuyo ang mga sugat ng estrangherong ito, mas lalo kong nakikita ang totoong ugali niya. At malayo ito sa seryoso, pormal, at kung minsan ay malamig na Zion Monteverde na kilala ng buong mundo ngayon sa kasalukuyan. Ang lalaking kasama ko sa loob ng maliit na clinic na iyon ay mabilis tumawa, madalas ngumiti, at walang ginawa kundi asarin ako buong magdamag. Nandito ako sa tabi ng higaan niya habang binabalatan siya ng mansanas gamit ang maliit na kutsilyo na hiniram ko kay Tita Viring. "You know, Aella, you look like a very serious chef kapag nagbabalat ng prutas," pang-aasar niya habang nakasandal ang kaniyang ulunan sa pader, nakataas pa ang kaniyang kaliwang kilay na may kasamang nakakalokong ngiti. "Pati 'yung dila mo, lumalabas nang konti sa focus." "Huy, grabe ka naman magsalita!" reklamo ko sabay turo sa kaniya gamit ang hawak kong mansanas. "Pinagbabalat na nga kita rito, andami mo pang napapansin. Pasalamat ka ma
閱讀更多