[Nostalgia]NANG awtomatiko na nagbukas ang malapad na gate ng villa niya, idineretso na niya ang sasakyan sa garahe. Wala siyang balak bumalik ng Manila sa araw na iyon. He is exhausted of everything. Lalo na ang pag-iisip.Hindi muna pumasok si Noel sa bahay. Natanaw kasi niya ang hardinero na abala sa pagti-trim ng mga halaman. Lumapit siya rito."Hello, sir."Tumango lang siya bilang tugon sa pagbati ng hardinero at saka nagpalakad-lakad sa likuran nito."May iuutos po ba kayo, sir?" puna nito sa amo."Ha? Wala naman. Sige, ituloy mo lang ang ginagawa mo."Pasimple na lang na napailing ang lalaki. Pinakiramdaman uli nito ang amo. "Kung may iuutos po-""Manong- "Nagkatinginan ang dalawa nang sabay silang magsalita."Go ahead," wika niya sa hardinero."Sabihin niyo na po kung may iuutos kayo.""Ah, may naalala nga akong gustong ipagawa sa iyo."Ibinaba nito ang gamit na trimmer. "Ano po 'yon, sir?""Igawa mo ako ng flowerbed.""Flowerbed?" pag-uulit nito.Tumango si Noel. "Gusto ko
Read more