[Truth Revealed]''NO! I want to stay with Daddy!''''Noah, please listen and behave. Okay?''Tumigil sa pag-iingay ang bata. Lumarawan sa mukha nito ang lungkot. ''But I want to be with Daddy, Tita Ninang."''May trabaho pa siya rito.''''Kailan po siya matatapos?''''Kapag naging behave ka. At kung mangangako ka rin na hindi mo na uulitin ang ginawa mong pag-alis ng bahay nang walang paalam. Naiintindihan mo ba?''Tumango lang si Noah.''Here, take this...''Nabaling ang tingin ng dalawa kay Noel na bumalik mula sa pagkuha nito ng ekstrang cellphone nito.''Is that for me, Daddy?''Tumango si Noel. ''Call me.''''Really?'' Nagliwanag ang mukha ni Noah nang abutin nito ang cellphone. ''Can I call you everytime I miss you?''''My number is there. So, call me anytime.''''Wow!'' masayang bulalas nito. ''I love you, Daddy.''Sandali namang napipilan si Noel na napasulyap muna sa kapatid. Napatikhim ito upang ikondisyon ang lalamunan saka tumugon sa sinabi ng bata. ''I love you, too.'''
Read more