Seren Evangeline Del Valle“Mama ko po siya…”Parang tumigil ang buong mundo nang marinig ko ang sinabi ni Cyrus sa harap ng mismong ama niya. Ang mga mata rin ni Cloud ay hindi na mawala ang pagkakatitig sa akin, dahilan upang lalo akong hindi makapagsalita.“O, I see. Pauwi na ba kayo? I can drive you home,” tugon naman ni Cloud, ngunit ngayon ay nakatuon na ang kanyang atensyon sa bata.Akmang tututulan ko na sana ang kanyang alok nang siya namang muling nagsalita si Cyrus na mas lalo kong ikinabigla.“Yes po sir… kaso wala car ang Mama ko eh, wala rin ang Ninang Mika ko po kaya nag-wait kami ng taxi po,” walang muwang na sagot pa ni Cyrus sa kanyang ama.“Hop in then, I will drive you home,” muling sabi pa ni Cloud kasunod ng pagbukas ng backseat ng kanyang sasakyan.“H-hindi na kailangan. Parating na rin naman yung taxi na binook ko,” pilit na pagtanggi ko pa rito, ngunit ang magaling kong anak ay hindi ko namalayan na nakasakay na pala sa kotse ng lalaki.“But your child says di
더 보기