ELISA'S POV "Good evening, Sir, Ma'am," bati sa amin ng staff ng makapasok kami sa isang mamahaling restaurant. "Good evening," bati ko naman sa kanya. "Do you have reservation po?" tanong niya sa akin na nakangiti.Bubuka sana ang bibig ko para magsalita ng mapatigil ako ng unahan aoo ni Rage. "Montenegro." Napatingin ako sa kanya at napansin ko ang seryosong ekspresyon ng mukha ni Rage habang nakatingin siya sa lalaki. Pero mukhang hindi iyon napapansin ng lalaki dahil nakangiti pa din siya. "This way, Sir," wika ng lalaki. Sumunod naman kami ng sinamahan niya kami patungo sa naka-reserve na table namin. Paglapit namin ay pinaghila ako ng lalaki ng silya. "Thank you," wika ko sa kanya bago ako naupo. At naapayos nga ako ng aking pagkakaupo nang makita ko ang seryosong ekspresyon ng mukha niya habang nakatingin sa lalaki. Naupo na din si Rage. At nang makaupo siya ay inabutan kaming dalawa ng lalaki na tig-isa na menu. Tinanggap ko naman iyon. "Take your order, Elisa," wika
Read more