SOPHIA ELAINE RIVERA POV Lumipas ang isang linggo, at sa loob ng pitong araw na iyon, unti unting nagbago ang takbo ng aming buhay. Sa opisina, nanatili kaming pormal, siya ang aking boss, at ako ang kanyang sekretarya. Walang sinuman sa ibang empleyado ang nakakaalam ng katotohanan, at sinisiguro naming manatiling propesyonal ang aming pakikitungo sa isa’t isa. Ngunit sa labas ng opisina, nagsisimula nang mabuo ang isang bagong ugnayan, hindi bilang magkasintahan, kundi bilang mga magulang na nagtutulungan para sa kanilang anak. Tulad ng napagkasunduan, dumalaw si Enzo sa aming munting tahanan sa Mandaluyong tuwing hapon pagkatapos ng kanyang trabaho. Sa una, nanatili siyang pormal at maingat, tila natatakot na baka magkamali siya ng kilos sa harap ng bata. Ngunit sa paglipas ng mga araw, nakita ko ang pagbabago. Unti unting nawala ang kanyang pagiging istrikto, at napalitan ito ng pagiging mapagpasensya at mapagmasid. Isang hapon, habang naghahanda ako ng meryenda sa kusina, n
최신 업데이트 : 2026-06-07 더 보기