Pagdating ni Lorraine sa Zaragoza Mansion ay agad niyang naramdaman ang pagod na naipon sa buong araw. Hindi naman naging mahirap ang mga klase niya. Sa katunayan, naging masaya pa nga ang araw niya, may kunting pang-iinis nga lang galing doon sa mga co-workers at ibang estudyante niya.Pero nakakapagod pa rin ang paulit-ulit na pagtuturo, pagsagot sa mga tanong ng mga estudyante, pag-check ng mga worksheets, at pakikipag-usap sa mga magulang na minsan ay mas makulit pa kaysa sa kanilang mga anak.Kaya naman nang makapasok siya sa loob ng mansion ay halos gusto na lamang niyang humiga sa kama at matulog. Ngunit bago pa man siya makalayo sa hagdan ay may naamoy siyang napakasarap.Agad siyang napatigil at napasinghot siya ulit. Agad siyang napangiti. Napakabango kasi talaga ng naamoy niya at agad na kumalam ang kaniyang tiyan. Hindi pwedeng hindi siya bumaba.Amoy burger ang nalalanghap niya. Favorite pa naman niya iyon. Kaya kailangan niyang malaman kung saan nanggagaling ang amoy na y
Magbasa pa