Nagising si Lorraine sa banayad na sikat ng araw na sumisilip sa pagitan ng makakapal na kurtina ng kaniyang silid. Dahan-dahan siyang napakurap. Sandaling nanatili ang tingin niya sa puting kisame habang pilit na inaalala kung anong araw na ba ngayon.“Sunday nga pala, oo.” Bulong niya sa sarili.Napangiti pa siya, mabuti naman at pwede pa siya makapagpahinga bago sumabak ulit sa trabaho bukas.Sa wakas ay wala siyang klase ngayong araw. Wala ring lesson plan na kailangang tapusin. Wala ring notebooks na kailangang i-check.Sa unang pagkakataon matapos ang ilang linggong sunod-sunod na trabaho, pakiramdam niya ay maaari siyang matulog nang mas matagal ngayong araw ngunit bago pa man niya maisara muli ang kaniyang mga mata, may kung anong malambot na dumampi sa kaniyang pisngi.Napakunot-noo siya. Paglingon niya sa kaniyang tabi ay agad siyang napangiti.Ang malaking stuffed bear iyon, hindi niya tuloy maiwasang mapangiti ulit. Nakapulupot pa rin ang isang braso niya rito. Napailing s
Read more