Chapter 29Mabilis na lumipas ang dalawang buwan.Matapos ang sunod-sunod na business meetings, project inspections, at pag-aasikaso sa bagong partnership ng Monteverde Holdings at Suarez Company, sa wakas ay nakauwi na rin kami sa Manila.Pagkalapag pa lamang ng eroplano ay halos mapatalon sa tuwa ang anak ko.Ngunit pagdating sa sasakyan ay tila naubos na ang kanyang enerhiya."Mom, I'm tired!"Reklamo niya habang nakasandal sa akin.Napangiti ako at ginulo ang kanyang buhok."I know, baby."Mahaba rin ang naging biyahe namin.Pagdating sa mansyon ay agad kaming sinalubong ng mga kasambahay.Halatang masaya silang makita kami matapos ang matagal naming pananatili sa Cebu.Ngumiti ako sa kanila."Ate, paki-asikaso muna ang mga gamit namin."Agad naman silang tumango."Yes, Ma'am."At bago pa sila makaalis ay muli akong nagsalita."At iyong isang maleta na kulay black, mga pasalubong namin iyon para sa inyong lahat."Nanlaki ang mga mata ng ilan sa kanila."Totoo po, Ma'am?"Napatawa
Read more