CHAPTER 73 Umiling siya at kinuha ang braso na hawak nito. Nagmamadali ang kanyang mga hakbang palayo subalit muli na naman siyang nahilo. Humawak siya sa poste at muntik ng matumba kung wala lang sumalo sa kanyang katawan. “Ang init mo! I’m bringing you to the hospital,” wika ng pamilyar na boses ni Rozen. Hindi na siya nakapagprotesta dahil tumawag na ito ng taxi cab. Hinang-hina na rin siya at tuluyang nawalan ng malay. Hindi siya sigurado kung gaano siya katagal nakatulog. Nang magmulat siya ng mga mata ay maayos na ang kanyang pakiramdam. “Miss, where am I?” tawag niya sa nurse na nagte-tsek ng IV drop niya. “You’re in the hospital, Ma’am. Are you a Filipina?” tanong nito sa kanya. “Yeah.” “Ay hello, Ma’am. Pinay din po ako. Magra-round po mamaya si Dok. Pakihintay na lang po.” “Iyong lalaking nagdala sa akin dito? Nasaan na?” “Umalis na po si Sir pero may iniwan po siyang coat at saka
Magbasa pa