ELIRA POV"Mommy, tapos na po ako mag-subo," sabi ni Zion sabay baba ng kaniyang maliit na kutsara sa plato. May kaunting sabaw pa ng sinigang na naiwan sa gilid ng kaniyang labi, kaya mabilis ko 'tong pinunasan gamit ang table napkin."Good boy. Inom ka muna ng water, love," inabot ko sa kaniya ang kaniyang baso. Inubos naman niya 'on bago bumaba sa kaniyang high chair."Punta na po ako kay Manang Melba? Sabi niya po watch kami ng cartoons sa small TV sa kusina," paalam niya habang nakatingin sa akin gamit ang bilugan niyang mga mata."Sige na, pero huwag makulit, ha? Huwag hahawak sa mga maiinit na gamit doon," paalala ko.Tumango siya nang mabilis bago patakbong lumabas ng dining room. Nang mawala ang maliliit niyang yapak, biglang tumahimik ang buong paligid. Tanging ang mahinang tunog lang ng wall clock ang naririnig ko rito sa lamesa.Iniligpit ko ang huling platong kinainan ko, pero nanatili lang akong nakatitig sa kawalan. Heto na naman ang bigat sa dibdib ko. Kanina, nung nak
Read more