ELIRA POVKinabukasan, maagang naging abala ang buong mansyon. Sabado ngayon, pero parang walang pinagkaiba ang takbo ng oras dahil ramdam pa rin sa hangin ang init ng nangyari sa korte kahapon. Pagkababa ko sa kusina para kumuha ng gatas ni Zion, nakita ko agad si Manang Melba na nag-aayos ng mga sariwang prutas sa counter."Good morning, Elira. Kamusta ang tulog mo, hija?" malumanay na bati sa akin ni Manang habang kinukuha ang baso sa kamay ko para siya na ang magsalis ng gatas."Magandang umaga rin po, Manang. Medyo mabigat pa rin po ang pakiramdam, pero nakabawi naman ng tulog kahit paano," sagot ko habang umuupo sa isa sa mga matataas na silya sa gilid ng kitchen island. "Si Azriel po? Maaga po ba siyang umalis?""Naku, nandoon na naman sa study room niya mula pa yata bago mag-alas sais. May mga papeles na namang binabasa kasama si Ramil," iling-iling na kwento ni Manang Melba. "Ang batang 'yon talaga, kapag may sinimulan, hindi titigil hangga't hindi nasisigurong walang butas a
Read more