ELIRA POVAlas-siete pa lang ng umaga pero kanina pa pabalik-balik si Zion sa may bintana ng sala. Naka-short na siya at t-shirt, tapos suot na naman niya ang kaniyang paboritong rubber shoes na may ilaw sa gilid. Kahit anong sabay ko sa kaniya na matagal pa ang dating ng eroplano mula sa Maynila, hindi siya nakikinig. Para siyang bateryang bagong charge sa sobrang energy."Mommy, dadating na ba si Azriel? Sabi niya sa phone kagabi, aalis siya sa house ng maagang-maaga," tanong ni Zion habang nakadikit ang mukha sa screen ng bintana, tinitingnan ang daanang semento sa labas."Papunta pa lang 'yon sa airport, love. Di ba sabi ko sa 'yo, mga alas-nuwebe pa ang dating niya rito sa Tacloban? Tapos bibiyahe pa siya papunta rito sa bahay ni Lola," sagot ko habang nagwawalis sa may sala.Lumabas si Lola mula sa kusina, may bitbit na mangkok ng pinipig. "Aba, eh kung ganoon, mag-ayos na kayo roon sa sala. Gideon, sunduin mo na sa airport 'yung bisita natin baka maligaw 'yon sa labas ng hangar
Read more