ELIRA POV"Mommy, look! I can finish my milk na in one go!"Natawa ako habang pinapanood si Zion na inuubos ang kaniyang gatas. Alas-siyete na ng umaga, at gaya ng nakagawian, maaga na kaming gising ni Zion. Iba talaga ang enerhiya ng bata kapag excited siyang pumasok sa bago niyang school. Ilang araw na lang, start na ng classes niya, at habang papalapit ang petsa, lalong nagiging normal ang buhay namin dito sa Forbes.Tumayo ako para ilagay ang baso niya sa sink nung biglang pumasok si Azriel sa kusina, suot ang kaniyang running gear. Pawis na pawis siya at medyo hingal, halatang katatapos lang niyang mag-jogging sa loob ng subdivision."Good morning, buddy. You're up early," bati ni Azriel kay Zion sabay abot ng towel sa leeg niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti nang tipid. "Elira, nahanap ko 'yung garden hose sa labas na may kaunting tagas. Pinaayos ko na kay Mang Dencio kanina nung nadaanan ko siya sa garahe.""Salamat, Azriel. Ang aga mo naman mag-jogging," sabi ko habang nagl
Read more