ELIRA POVMaingat na binuksan ni Azriel ang pinto ng oven gamit ang isang makapal na basahan. Agad na sumabog sa buong kusina ang napakabangong amoy ng natutunaw na chocolate chips, banilya, at mainit na butter. Kahit si Manang Melba na nasa labas ay napasilip sa sliding door ng kusina dahil sa bango. Si Zion naman, halos tumalon na sa tuwa habang nakahawak sa laylayan ng aking t-shirt, hindi na makapaghintay na matikman ang kaniyang ginawang giant cookies."Wait lang, Zion. Mainit pa 'yan, baka mapaso ang dila mo," paalala ko sa kaniya habang inilalagay ni Azriel ang baking sheet sa ibabaw ng metal cooling rack sa counter."Pero Mommy, look! Lumaki nga sila, hindi sila nagdikit!" ungot ng anak ko, habang itinuturo ang anim na pirasong malalaking cookies na perpekto ang pagkaka-bake, medyo brown ang gilid pero malambot pa ang gitna."Bilangin natin hanggang dalawampu, Zion. Kapag umabot na sa twenty, medyo malamig na 'yan at pwede mo nang makuha ang pinakamalaki," nakangiting sabi ni
Read more