ELIRA POVMalamig ang aircon sa loob ng SUV, pero ramdam ko pa rin ang pawis sa may batok ko habang dahan-dahang umaandar ang sasakyan palabas ng subdivision gate. Tumingin ako sa bintana—kulay abo pa rin ang langit, tipikal na itsura ng Maynila kapag alas-sais ng umaga. Sa labas, nakikita ko ang mga ordinaryong empleyado na nag-aabang ng masasakyan, mga UV Express na siksikan, at mga estudyanteng nakapila sa may gilid ng kalsada. Lahat sila, mukhang normal ang simula ng linggo. Pero kami, andito sa loob ng isang bulletproof na sasakyan, binabantayan ang bawat galaw sa paligid gamit ang tatlong magkakaibang side mirror."Mommy, look, ang daming cars ngayon," bulong ni Zion habang nakadikit ang kaniyang maliit na ilong sa tinted na salamin ng backseat."Oo nga, love. Kaya kailangan nating maging tahimik lang, 'di ba? Sabi ni Tito Azriel, secret agents tayo ngayon," sagot ko habang pilit kong pinapakalma ang boses ko. Inayos ko ang pagkakaupo niya sa car seat at tsinsek ang buckle ng ka
Read more