Hindi na ako nagsalita o nagtanong pa pagkatapos niyan sabihin iyon. Sapat na sakit ang sakit na nararamdaman ko ayaw ko ng madagdagan pa. Naramdaman ko ang paghiga nito sa kama, sinilip ko siya at kong nakatalikod ito sa akin. Hindi na ako nag-abala pang magsalita, muli akong umayos ng pagkakahiga patalikod rin sa kaniya. Naramdaman ko ang bigat sa aking dibdib, na tila ba parang tinutusok ang aking puso. Sa gitna ng katahimikan ng gabi, mas malakas ang bawat tibok nito—hindi dahil sa buhay, kundi dahil sa hapdi ng bawat pagpintig na tila nagpapaalala na hanggang dito na lamang ang mayroon kaming dalawa. Naramdaman kong may tumulo sa aking mga mata, parang may bumabara sa aking lalamon na gustong kumawala. Sa buong gabi ay sakto ang bawat sulok ng okwarto sa tahimik kong pag-iyak.Kinaumagahan ay nagising na lamang ako dahil sa pananakit ng aking puson. Tumingin ako sa katabi ko at mahimbing na natutulog. Nakakahiya namang gisingin pero kailangan talaga. Hindi ko alam kung saan
Read more