Habang naglalakad kami ay nanatili itong tahimik kung kaya’t hindi ko mapigilang hindi matawa, dahil kanina ay grabi ang tapang niya. Hindi nagtagal ay narating na namin ang office. “Pasok” wika ko at tinulak siya papasok. Pumasok naman siya papasok, habang ako ay nakasunod sa likod niya ngunit laking gulat ko ng bigla itong sumigaw na parang aping-api palapit kay Kendiel at yumakap ito. What the fuck! Gulat na gulat ang mga tao sa loob ng opisina dahil lahat ay nandito, kasama headteacher ng supreme student council. Nakayakap kay Kendiel ang babae habang si Kendiel naman ay gulat na gulat na nakatingin sakin na parang nakakita ito ng multo. “Keddy, tulungan mo ako please.” paawang wika nito. Keddy?! Sino ba itong babaeng ito at tinatawag na Leddy ang boyfriend ko? Bahagiyang inalis ni Kendiel ang pagkakayakap ng babae, napatingin naman sa kaniya na puno ng pagtataka ang babae.
Read more