Mabilis na lumipas ang mga araw mula nang pirmahan ko ang kasunduan. Tulad ng utos ni Xavier, lumipat na ako agad sa kanyang malawak at marangyang mansyon na nakatayo sa pinakataas na bahagi ng lungsod.Napapaligiran ito ng matataas na pader at mga armadong tanod na walang tigil ang pagbabantay. Sa unang tingin, parang palasyo ang lahat—mga mamahaling gamit, makukulay na bulaklak, at makikintab na sahig. Pero sa bawat hakbang ko, ramdam ko ang lamig at bigat ng paligid. Ang bawat tingin ng mga katulong ay puno ng awa, parang alam nilang pumasok ako sa kulungan nang walang kasiguraduhan kung makakalabas pa ako nang ligtas at buo.Dito, kilala ako bilang asawa ni Xavier Cross Dela Vega. Pero alam naming dalawa na isa lang ang may kontrata. Isang taon lang ito, kapalit ng kaligtasan ng kumpanya ni Tatay at ng kabuhayan ng lahat ng empleyado namin.Araw-araw, kailangan kong sumunod sa kanya. Minsan ay isinasama niya ako sa mga piging, pagpupulong, at mga pagti
Read more