Pagkabalik ko sa silid, parang naririnig ko pa rin ang bawat tibok ng puso ko. Ang init ng pagdampi ng mga palad niya, ang boses niyang puno ng pagpipigil, at ang pangakong binitawan namin sa dilim—lahat ay nakaukit na sa isipan ko.Pero alam kong hindi pa tapos ang laro. Ang bawat sandali ng lambing ay kailangang itago. Ang bawat katotohanan ay kailangang balutin ng kasinungalingan.Kinabukasan, maaga pa lang ay gising na ako. May ipapagawa si Don Miguel sa amin—pupunta kami sa isang lumang pabrika na binili ng kumpanya. Dito daw gagawin ang bagong proyekto na siyang magpapatibay lalo ng kapangyarihan nila.Kasabay namin si Xavier. Tahimik siya sa buong biyahe. Seryoso ang mukha, nakatingin lang sa labas ng bintana. Pero sa bawat pagkakataong walang nakatingin, sumasagi ang tingin niya sa akin. Pagdating namin doon, nakita ko ang kalagayan ng lugar. Sira sira, madumi, at tila matagal nang walang tao. Pero may kakaibang pakiramdam ako. P
Magbasa pa