Kakauwi pa lang nila Diana galing sa Sea Side nang mapansin nila na nakaabang na ang Tiya ni Raine at ang anak nito sa labas ng bakuran. Napalingon si Diana kay Raine na nasa back seat.“Miss ka na ng Tiya mo, Raine,” pabirong wika ni Diana. Ngumisi siya. “Inaabangan ka na oh.”“Tch!” Napailing si Raine.“Hapon na rin kasi,” sabi ni Mama Roberta.“Ako na mauna lumabas,” suhestiyon ni Raine. “Ibababa ko lang iyong mga gamit.”“Huwag na, Raine. Kami na,” pigil ni Diana. “Baka mapaano iyang ulo mo.”“Tsk! Okay na kasi ako,” pagdadahilan pa ni Raine.“Kahit na, huwag matigas ang ulo, Raine,” babala pa ni Diana. Tumango siya. “Sige na, kami na sa gamit. Iyong bag mo na lang ang dalhin mo.”Napabuntonghininga si Raine. “Sige,” sagot niya at bumaba ng kotse.“Iyong usapan natin,” bilin ulit ni Mama Roberta. “Lalo ka na Ma, huwag masyado matabil ang dila. Baka mainggit si Manuela.”“Naintindihan ko,” sagot ni Lola Pansing.“Oh siya,” ani ni Mama Roberta at binuksan ang pinto. Dali-daling lum
Baca selengkapnya