“Pasensya na. Ganiyan lang talaga si Nemfa.” Malungkot na saad ni Señora Mercedes, sa tono nito'y may gusto pa sana itong sabihin, ngunit pinigilan din agad ang sarili. Ang mapagpaumanhin nitong mga mata ay tumingin sa kaniya. Mabagal siyang umiling, kahit na naaapektuhan sa nangyari ay hindi na lang din ipinahalata sa Señora. “Wala po iyon, Señora…” “Lola. Lola ang itawag mo sa akin Wenona, lalo pa't kasal na pala kayo nitong apo ko.” Mabilis nitong pagtatama sa kaniya. Muli ay parang may nagbabara sa kaniyang lalamunan. Tinawag na naman siya nito sa pangalan ni Wenona. Hindi siya nakapagsalita kaya marahan na lamang siyang tumango. “Kung hindi naman pala kayo mag di-dinner dito, pwede ko ba kayong makausap na lang? Let’s have a short discussion.” Ngumiti ang matanda ngunit alam niyang seryoso ito sa hinihingi. Napaangat ang kaniyang tingin kay Aeros at nakita niyang blangko ang ekspresyon ng mukha ito. Hindi niya malaman kung tensyunado ba ito o hindi, dahil siya, tensyuna
続きを読む