Maagang nagsimula ang araw ng buong Buwan ng Wika Committee. Halos lahat ng miyembro ay nasa Activity Room na, abala sa paggawa ng mga dekorasyon, pag-aayos ng mga costume, at paglalatag ng plano para sa cultural exhibit. Nagkalat ang mga kartolina, tela, kawayan, pintura, glue gun, at iba't ibang props sa bawat sulok ng silid."Maeve! Paki-check naman itong list ng participants!" sigaw ng isa nilang kaklase."Keiv, ikaw naman sa electrical layout!" dagdag ng professor adviser.Tahimik lamang na tumango si Keiv habang inaayos ang extension wires sa isang sulok. Samantalang si Maeve ay halos hindi na mapakali sa dami ng ginagawa. Mula sa registration table, lumilipat siya sa costume committee, pagkatapos ay sa documentation team."Ano ba 'yan..." natatawang reklamo niya. "Parang sampung tao ang trabaho ko.""Nagrereklamo pero nakangiti," biro ni Bea."Siyempre! Masaya kaya!"Napailing na lamang si Bea."Ikaw talaga."Lumipas ang halos dalawang oras ng walang tigil na paghahanda. Maya-m
Terakhir Diperbarui : 2026-07-09 Baca selengkapnya