FIONA ANGELYN PEREZ POV"Ate, masakit po ang tyan ni Ferlyn..."Iyan ang boses na gumising sa akin sa madaling-araw. Pagmulat ng aking mga mata, nakita ko ang labindalawang taong gulang kong kapatid na si Piolo, hawak hawak ang kamay ng aming bunsong kapatid na si Ferlyn na noon ay umiiyak na naman habang namimilipit sa sakit. Agad akong bumangon mula sa aming manipis na kutson at binuhat ang tatlong taong gulang kong kapatid. Ang init niya. Sobrang init.Gusto kong maiyak, pero pinigilan ko. Simula nung gabing mamatay sina Mama Sarah at Papa Roger sa isang malubhang car accident isang taon na ang nakalilipas, ipinangako ko sa sarili ko na bawal na akong umiyak. Ako na ang tatay, ako na ang nanay. Ako na ang lahat para sa dalawang kapatid ko. I was 25 then, incoming senior sa kolehiyo, may mga pangarap. Pero sa isang iglap, lahat ng iyon ay nagbago. Kailangan kong tumigil sa pag-aaral. Kailangan kong maging matatag dahil kung bibigay ako, paano na ang mga kapatid ko?"Piolo, kunin mo
Last Updated : 2026-07-03 Read more