分享

THE CLEANING LADY OF MR. MILLIONAIRE
THE CLEANING LADY OF MR. MILLIONAIRE
作者: Ellise

CHAPTER 1

作者: Ellise
last update publish date: 2026-07-03 15:14:20

FIONA ANGELYN PEREZ POV

"Ate, masakit po ang tyan ni Ferlyn..."

Iyan ang boses na gumising sa akin sa madaling-araw. Pagmulat ng aking mga mata, nakita ko ang labindalawang taong gulang kong kapatid na si Piolo, hawak hawak ang kamay ng aming bunsong kapatid na si Ferlyn na noon ay umiiyak na naman habang namimilipit sa sakit. Agad akong bumangon mula sa aming manipis na kutson at binuhat ang tatlong taong gulang kong kapatid. Ang init niya. Sobrang init.

Gusto kong maiyak, pero pinigilan ko. Simula nung gabing mamatay sina Mama Sarah at Papa Roger sa isang malubhang car accident isang taon na ang nakalilipas, ipinangako ko sa sarili ko na bawal na akong umiyak. Ako na ang tatay, ako na ang nanay. Ako na ang lahat para sa dalawang kapatid ko. I was 25 then, incoming senior sa kolehiyo, may mga pangarap. Pero sa isang iglap, lahat ng iyon ay nagbago. Kailangan kong tumigil sa pag-aaral. Kailangan kong maging matatag dahil kung bibigay ako, paano na ang mga kapatid ko?

"Piolo, kunin mo yung maligamgam na tubig at bimpo sa kusina, dali," utos ko sa aking kapatid habang hinahaplos ang likod ni Ferlyn. "Shh... tahan na, baby Angel ko. Nandito si Ate. Hindi ka pababayaan ni Ate."

Matapos mapunasan si Ferlyn at mapainom ng natitirang gamot na nireseta ng doktor sa pampublikong ospital, dahan dahan din siyang nakatulog. Umupo ako sa gilid ng higaan, nakatitig sa dalawa kong kapatid na ngayon ay mahimbing nang natutulog. Maraming bayarin sa ospital. Ang maintenance na gamot ni Ferlyn para sa kanyang congenital heart disease ay napakamahal. Ang mga ipon nina Mama at Papa mula sa insurance, naubos na lahat sa ospital nung nakaraang buwan lang. Baon na rin kami sa utang sa mga kapitbahay.

Kailangan ko ng trabaho na malaki ang kita, kahit anong trabaho, basta marangal.

Kaya naman, nang mag-umaga, hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Tinawagan ko si Aling Marites, ang kapitbahay naming nagtatrabaho bilang kusinera sa isang malaking mansyon sa Forbes Park. Sabi niya kasi nung nakaraang linggo, naghahanap sila ng bagong cleaning lady doon dahil umalis ang dating katulong. Malaki daw magpasweldo ang may-ari, ang pamilya Martinez, pero may isang malaking babala si Aling Marites sa akin.

“Fiona, anak, malaki ang sweldo roon, sapat para sa gamot ng kapatid mo at pangaraw-araw niyo. Pero babalaan na kita... ang batang amo roon na si Sir Miles Lawrence Martinez, napakahirap pasamahan. Masungit, suplado, at parang walang puso kung magsalita. Kaya mo ba?”

Naalala ko ang sinabi ko sa kanya noon: “Kahit maghugas po ako ng paa ng demonyo, Aling Marites, gagawin ko. Para sa mga kapatid ko.”

At ngayon, heto na ako. Nakatayo sa tapat ng naglalakihang gintong gate ng Martinez Mansion. Sobrang laki ng bahay. Para itong kastilyo na nakikita ko lang sa mga teleserye. Kulay puti ang mga pader, may malawak na garden, at may mga mamahaling sasakyan na nakaparada sa gilid. Kumaba ang dibdib ko, pero hinawakan ko nang mahigpit ang luma kong bag na naglalaman ng aking biodata.

"Diyos ko, gabayan Niyo po ako. Para sa mga kapatid ko," bulong ko sa sarili bago pumasok sa maliit na pinto sa gilid ng gate kung saan ako pinapasok ng security guard.

Sinalubong ako ni Aling Marites sa may dirty kitchen at dinala ako sa loob ng mansyon. Lalo akong namangha at natakot nang makita ang loob. Ang sahig ay gawa sa mamahaling marmol na pwedeng pwedeng gawing salamin sa sobrang kintab. May mga naglalakihang chandelier na nakasabit sa kisame.

"Mag-antay ka lang dito, Fiona. Pababa na si Sir Miles. Siya ang mag-iinterview sa'yo dahil siya lang naman ang nakatira dito ngayon. Ang mga magulang niya ay nasa Amerika kasama ang mga kapatid niya, kaya siya ang may-ari ng buong mansyong ito," bulong ni Aling Marites bago mabilis na bumalik sa kusina para magluto.

Naiwan akong nakatayo sa gitna ng malawak na sala. Sobrang awkward ng pakiramdam ko. Ang suot ko lang ay lumang t-shirt at maong na pantalon na may kaunting kupas na. Ramdam na ramdam ko ang pagiging mahirap ko sa lugar na ito.

Makalipas ang ilang minuto, nakarinig ako ng mabibigat na yabag ng sapatos pababa ng engrandeng hagdanan. Agad akong napatuwid ng tayo.

At doon ko siya unang nakita.

Miles Lawrence Martinez.

He was undeniably handsome. Matangkad, may perpektong hubog ng panga, at ang kanyang buhok ay maayos na naka-style na parang isang modelo sa magazine. Ang suot niyang mamahaling black suit ay lalong nagpatingkad sa kanyang pagiging bilyonaryo. Pero ang pinakanapansin ko ay ang kanyang mga mata. Puno ito ng lamig. Walang kahit anong emosyon. Nang magtagpo ang mga mata namin, parang biglang bumaba ang temperatura sa loob ng kwarto.

Lumakad siya palapit sa akin habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa ng kanyang pantalon. Huminto siya ilang hakbang mula sa akin, at mula ulo hanggang paa ay tinignan niya ako na parang isa akong dumi sa kanyang mamahaling sahig.

"So, you are the new cleaning lady Marites was talking about?" ang lamig ng boses niya, parang may kasamang yelo. Ingles na Tagalog, pero ang accent niya ay halatang galing sa mataas na lipunan.

"O-Opo, Sir. Ako po si Fiona Angelyn Perez. 26 years old po," sagot ko, pilit na pinatatatag ang aking boses sabay abot ng aking biodata.

Kinuha niya ito gamit ang dalawang daliri, na tila ba diring-diri siyang hawakan ang papel na galing sa akin. Tinignan niya ito nang mabilisan bago ihagis sa ibabaw ng glass table na nasa gilid namin. Bahagya akong napaigtad sa ginawa niya.

"College undergraduate? At bakit ka tumigil? Let me guess..." Lumapit pa siya sa akin nang isang hakbang, dahilan para mapaurong ako nang bahagya. May amoy siyang mamahaling pabango, pero ang presensya niya ay nakakatakot. "You need money. standard story ng mga katulong na pumapasok dito. Gagawa ng kung ano anong kaawa awang kwento para makakuha ng advance na sweldo, tapos kapag nakuha na ang gusto, magnanakaw o kaya naman ay mang-aakit ng amo. Am I right?"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Ramdam ko ang biglang pag-init ng aking mga pisngi, hindi dahil sa hiya kundi dahil sa galit at sakit. Paano niya nagagawang humusga ng tao nang hindi pa ako kilala?

"Sir, hindi po ako ganyang klaseng tao. Pumasok po ako dito para magtrabaho nang marangal. Kailangan ko po ng sweldo para sa mga kapatid ko, lalo na sa bunsong maysakit, pero hinding hindi ko po magagawang magnakaw o mang-akit ng kung sino," may diin kong sagot habang direktang nakatingin sa kanyang malamig na mga mata.

Isang mapait at nakakalokong tawa ang lumabas sa kanyang mga labi. Ang tawang iyon ay puno ng pang-uuyam. He was a bully, and he enjoyed seeing me get defensive.

"Matapang ka rin pala, huh? well, see this? Lahat ng sulok ng bahay na ito, kailangang walang kahit isang butil ng alikabok. Kung may makita akong dumi, babawasan ko ang sweldo mo. clear?" Lumapit siya sa mukha ko, sapat na para maramdaman ko ang kanyang hininga. "And let me remind you, Perez. options are limited for girls like you. Huwag na huwag kang aarte-arte sa harap ko o susubukang kumuha ng atensyon ko, dahil alam ko ang mga galawan ng mga gold diggers na katulad mo. You mean nothing to me but a pair of hands to clean my mess."

Gusto kong isampal sa mukha niya ang natitirang pride ko. Gusto kong talikuran ang mansyong ito at sabihing hindi ko kailangan ng pera niya. Pero biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Ferlyn na namimilipit sa sakit, at ang mukha ni Piolo na umaasa sa akin.

Para sa mga kapatid ko, Fiona. Lunukin mo ang pride mo. Kaya mo 'to, paulit-ulit na utos ng isip ko sa aking sarili.

Huminga ako nang malalim at ibinaba ang aking tingin. "Opo, Sir Miles. Malinaw po. Gagawin ko po ang trabaho ko nang maayos."

"Good. Mag-umpisa ka na ngayon. At siguraduhin mong hindi ko makikita ang pagmumukha mo kapag naglalakad ako sa hallway. I hate seeing dirt," malamig niyang sabi bago tumalikod at naglakad paalis ng sala, na tila ba wala siyang tinapakang dignidad ng isang tao.

Nang tuluyan siyang makapasok sa kanyang library, doon lang ako nakahinga nang maluwag. Nanginginig ang aking mga tuhod. Napakapit ako sa sandalan ng sofa. Sobrang sakit ng mga salita niya. Hindi ko akalaing may mga tao palang kasing-sama niya ang ugali. Pilit niyang dinudurog ang pagkatao ko sa unang araw ko pa lang.

Pero hindi ako susuko. Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko gamit ang likod ng aking palad, tsaka kumuha ng basahan at timba sa stockroom. Ito na ang simula ng bagong buhay ko—isang cleaning lady sa ilalim ng isang bilyonaryong walang pakiramdam. Kung ito ang kailangan kong pagdaanan para mabuhay ang mga kapatid ko, titiisin ko. Haharapin ko ang kahit anong isalubong niya sa akin, kahit gaano pa kahirap makasama ang isang Miles Lawrence Martinez.

在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP

最新章節

  • THE CLEANING LADY OF MR. MILLIONAIRE    CHAPTER 8

    FIONA ANGELYN PEREZ POV Binitawan agad ako ni Sir Brix nang makalapit nang tuluyan si Miles ramdam ko ang lamig ng pader sa aking likod habang mabilis na lumipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ang distansya sa pagitan nina Miles at Brix ay kulang sa isang dipa, at ang hangin sa makitid na hallway na iyon ay tila nawalan ng oksiheno sa sobrang bigat. "What is yours, Miles?" nakapaskil pa rin ang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Brix, pero ramdam ang hamon sa kanyang boses. "Ang alam ko, cleaning lady mo lang siya. You don't own her. At sa nakita ko sa sala kanina, mukhang wala ka namang pakialam kung bastusin at tratuhin siya na parang basahan ng girlfriend mo." "She is my employee, Sanchez. Under my roof, under my rules," mariin ang bawat bigkas ni Miles. Ang kanyang mga mata ay hindi umaalis sa mukha ni Brix, ngunit ang kanyang kamao ay mas lalong humigpit ang pagkakasara. "At ang mga bisitang tulad mo ay walang karapatang gumala sa mga pribadong bahagi ng mansyon ko para l

  • THE CLEANING LADY OF MR. MILLIONAIRE    CHAPTER 7

    FIONA ANGELYN PEREZ POV Isang linggo na ang lumipas simula nung huling beses kaming magkausap ni Miles sa hallway ng ikalawang palapag at sa loob ng isang linggong iyon, parang bumalik siya sa pagiging masungit, malamig, at mapang-abuso mas malala pa kaysa noong mga unang araw ko rito. Parang pinatunayan niya lang ang sinabi niya sa sarili niya na kailangan niya akong itaboy kung mag-utos siya ngayon, akala mo ay wala akong kapaguran. Kung may makita siyang kahit katiting na mantsa sa salamin, pinapaulit niya sa akin ang buong kwarto habang nagsasalita ng mga salitang sadyang pumuputol sa natitira kong dignidad. Pero tinitiis ko tuwing nararamdaman ko ang pananakit ng aking likod at ang pangangatal ng aking mga kamay sa pagod, iniisip ko na lang ang reseta ng gamot ni Ferlyn. Kahapon ay dinala siya ni Piolo sa klinika at salamat sa Diyos, kahit papaano ay naging stable ang kanyang kondisyon dahil sa mga bagong gamot na nabili ko mula sa unang lingguhang sweldo ko. Iyon lang ang ma

  • THE CLEANING LADY OF MR. MILLIONAIRE    CHAPTER 6

    MILES LAWRENCE MARTINEZ POV "Damn it," bulong ko sa sarili ko habang marahas na itinatapon ang aking necktie sa ibabaw ng kama. Sumasakit ang ulo ko. Ang matinding hangover mula kagabi at ang walang katapusang bulyaw ng mga board members sa Martinez Global Tower kaninang umaga ay sapat na para mag-init ang ulo ko buong araw. Pero alam ko sa sarili ko na hindi lang ang trabaho ang dahilan kung bakit hindi ako mapakali it was that woman, Fiona Angelyn Perez. Lumapit ako sa bintana ng aking kwarto at tumingin sa ibaba, partikular sa malawak na garden kung saan ko siya nakitang nakikipag-usap kay Brix Sanchez kaninang umaga. Hanggang ngayon, parang nakatatak pa rin sa isip ko ang itsura niya habang nakaupo sa damuhan matapos ko siyang bitawan nang marahas. Ang kanyang mga mata puno ng luha, galit, at isang uri ng katatagan na ngayon ko lang nakita sa isang babae at ang braso niya namumula ito dahil sa higpit ng pagkakahawak ko. Bakit ba ako nakakaramdam ng ganito? Isang malalim n

  • THE CLEANING LADY OF MR. MILLIONAIRE    CHAPTER 5

    FIONA ANGELYN PEREZ POV Matagal akong naupo sa damuhan ng garden matapos akong iwan ni Miles. Ang init ng sikat ng araw sa aking balat ay hindi pumapantay sa tindi ng nanginginig kong kalamnan dahil sa takot at galit. Tinitigan ko ang braso ko kung saan muling bumaon ang kanyang mga daliri kanina namumula ito, at maya-maya lang ay alam kong magiging pasa na naman ito. Bakit ba napakarumi ng tingin niya sa akin? Pinilit kong tumayo kahit nangangatog ang aking mga tuhod. Pinagpagan ko ang aking uniporme. Tumingala ako sa langit at huminga nang malalim. "Kaya mo 'to, Fiona. Huwag kang bibigay. Isipin mo si Ferlyn. Isipin mo ang panggamot niya." Pilit kong pinatatag ang sarili ko bago dahan-dahang naglakad pabalik sa loob ng mansyon. Ayaw kong makita ako ni Aling Marites na ganito ang itsura, baka mag-alala lang ang matanda at lalo pang sumakit ang kanyang rayuma. Pagpasok ko sa dirty kitchen, laking pasalamat ko dahil wala pa roon si Aling Marites. Siguro ay nasa quarters pa niya a

  • THE CLEANING LADY OF MR. MILLIONAIRE    CHAPTER 4

    FIONA ANGELYN PEREZ POV Mabilis akong naglakad palabas ng back door patungo sa malawak na garden. Habang humahakbang ako sa sementadong daan sa gitna ng mga mamahaling halaman, pilit kong inaalala kung may kakilala ba akong Brix ang pangalan. Pero wala talaga. Simula nang mamatay sina Mama at Papa, ang mundo ko ay umikot na lang sa dalawa kong kapatid, sa ospital, at sa paghahanap ng mapagkakakitaan. Wala akong oras para makipagkaibigan, lalo na sa mga taong may mararangyang pangalan. Nang marating ko ang tapat ng malaking bakal na gate, nakita ko ang isang lalaking nakatayo sa tabi ng isang kulay abong sports car. Kung titingnan siya, halatang galing din siya sa mataas na lipunan gaya ni Miles. Nakasuot siya ng isang mamahaling dark blue na suit, maayos ang gupit ng buhok, at may hawak siyang isang pirasong mamahaling leather folder. Pero kung si Miles ay parang yelo na nakakatakot lapitan, ang lalaking ito ay may nakapaskil na ngiti sa kanyang mga labi. Isang ngiti na sa unang t

  • THE CLEANING LADY OF MR. MILLIONAIRE    CHAPTER 3

    FIONA ANGELYN PEREZ POV Parang urong-sulong ang mga paa ko habang nakatayo sa tapat ng naglalakihang magkasintahan—o kung ano man ang tawag sa relasyon nina Miles at Loreen. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kung kanina ay parang yelo ang lamig ng presensya ni Miles, ngayon naman ay para siyang bulkang nagbabadyang sumabog dahil sa matinding kalasingan at galit na rumierehistro sa kanyang mukha. "I-Ipapaliwanag ko lang po, Sir..." pautal-utal kong panimula habang mas hinigpitan ko ang yakap sa folder na hawak ko. "Kakatapos ko lang po kasing maglinis sa dining area. At nakita ko po itong folder niyo na naiwan sa mesa, kaya l-liligpitin ko lang sana bago ako umuwi—" "Liligpitin? O baka naman ninanakaw mo na?" Hindi si Miles ang nagsalita, kundi ang babaeng kasama niya. Humakbang si Loreen Mundala palapit sa akin. Ang bawat tunog ng kanyang high heels sa marmol na sahig ay parang tunog ng paparating na hatol. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa nang may matinding pandidir

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status