ASTRID POV...Nakatitig ako sa lalaking nasa harapan ko, pilit na hinahila ang mga kadena sa aking mga kamay, pero hindi ko magawa. Masakit na hindi lang sa balat, kundi pati sa buong katawan ko.Hindi ko alam kung nasaan ako. Ang huli kong natatandaan, nasa bar lang ako kasama si Zerine. Pagmulat ko, narito na ako nakakadena ang mga kamay ko sa gilid ng malaking kama."Who are you? Why are you doing this to me?!" sigaw ko, nanginginig ang boses habang umatras ako, kahit wala naman akong matakbuhan.Nakatitig lang siya sa akin. Walang emosyon. Tahimik na naninigarilyo, ang usok ay dahan-dahang lumalabas sa mga labi niya.Napatingin ako sa sigarilyo na hawak niya. Iba ito... parang ngayon ko lang nakita ang ganitong klase.Tumingin ako sa paligid. Malawak ang kwarto parang suite sa isang malaking mansion, o baka palasyo pa. Mataas ang kisame, madilim ang kulay ng mga dingding, at may malalaking bintana na natatakpan ng mabibigat na kurtina.Ang damit ko pa rin 'yung suot ko sa bar mai
최신 업데이트 : 2026-07-21 더 보기