분야별
업데이트 중
모두연재 중참여
정렬 기준
모두인기순추천평점업데이트됨
Vows Of Vengeance

Vows Of Vengeance

snowflower
"Cleonne Marie Deigmen, do you accept Ashton Kleid Ditfreid as your lawful husband?" tanong ng pari habang nakatingin sa akin. Nakabibinging katahimikan ang umalingawngaw sa loob ng simbahan. Tila ba lahat sila ay takot na magsalita dahil alam nilang masama ang kahihinatnan niyon kung sakali. "I-I do..." garalgal ang boses ko na sumagot. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko habang nakatayo sa harap ng altar. Buong buhay ko, wala akong ibang pinangarap kundi magandang buhay para sa pamilya ko, at mahanap ang lalaking pakakasalan ko balang araw. Iyong lalaking makatatabi ko sa altar sa at kasama kong susumpa sa harap ng maykapal. Pero hindi ko akalaing ang araw ng kasal ko, ang siya ring magiging pinaka-masalimuot na araw sa buhay ko.... "I now pronounce you, husband and wife. Mr. Ditfreid, you may now kiss your bride." Ang panginginig ng buong katawan ko ay mas lalo pang nadagdagan nang sabihin iyon ng pari. Unti-unti ay humarap ako kay Ashton na seryosong nakatingin sa akin. Iniangat niya ang veil mula sa ulo ko at doon ko nakita ang mga mata niya. Hindi pagmamahal ang nakikita ko sa mga iyon, ang tanging nakikita ko lamang ay galit, poot, at paghihiganti. "You are mine now, Cleonne. At ito ang tatandaan mo, habang nabubuhay ako, hinding-hindi mo mararanasan ang salitang kaligayahan." bulong niya sa akin bago niya tuluyang ilapat ang labi niya sa mga labi ko. Magmula nang araw na iyon, alam kong ang buhay ko ay hindi na sa akin. Dahil magmula nang araw na iyon ay nakatali na ako sa lalaking hindi ko naman mahal, sa lalaking walang ibang gustong gawin kundi ang makapaghiganti sa akin, at iyon ay walang iba kundi si Ashton Kleid Ditfreid.
102.2K 조회수연재 중서재에 66회 accept quotes로 추가됨
보기
+보관함
HIS SINFUL LOVE(SSPG)

HIS SINFUL LOVE(SSPG)

Sa wakas ay makakasal na si Daisy sa lalakeng una at totoo niyang minamahal na si Gian Silvestre. Ngunit sa araw mismo ng kanyang kasal ay na-kidnap siya.Natunghayan niya na lang ang kanyang sariling nakagapos at nakapiring habang puwersahang inaangkin ng lalake.Nasusuklam siya sa lalakeng lumapastangan at bumaboy sa kanyang pagkakababae ng walang sawa at paulit-ulit. Hindi niya nakilala ang lalakeng bumihag sa kanya at makalipas nga ng dalawang buwan ay basta basta na lang siya ibinalik sa kanyang pamilya.Nang malaman ng pamilya niya na buntis siya at hindi niya alam kung sino ang nakabuntis sa kanya ay itinakwil siya ng kanyang pamilya . Dulot ng matinding pighati at awa sa sarili sa nangyari sa kanyang buhay; nakidnap, naggahasa at ipinagpalit ng kanyang fiancee sa kanyang kaibigan ay nagpasya siyang magpakalayo-layo sa ibang bansa.Makalipas ang apat na taon ay bumalik siya sa Pilipinas upang makapaghigante. Paano kung matuklasan niya na ang lalakeng kumidnap at gumahasa sa kanya ay walang iba kung hindi si Dylan Romano, ang kanyang hot boss at dating manliligaw na binasted niya. Huli na nga ba upang masuklam siya dito kung natutunan niya na itong ibigin sa mga tulong na naibigay nito sa kanya? Matutunan kaya niyang mapatawad ang ama ng kanyang anak na sumira sa kanyang dangal?Kaya ba ni Dylan paghilumin ang sugatang puso niya kung paghihigante lang din pala ang pakay nito sa kanya? How will he ever win the heart and mind of Daisy kung umiibig pa rin ito sa dati nitong fiancee? Maari bang magkaroon sila ng happily ever after kung pareho silang masilimoot ang naging napagdaanan sa isa't isa? Kaya ba ng mahika ng pag-ibig paghilumin ang lahat sa pagitan nilang dalawa? Will Daisy accept his sinful love forever or will she reject it?
58 조회수연재 중서재에 1회 accept quotes로 추가됨
보기
+보관함
Loved and Chained

Loved and Chained

A rebellious woman and a policeman. Will she accept that she was loved and chained by him? Tunay nga na kapag tumitigas ang ulo ng isang bata, kailangang dinidisiplina. Pero sa kaso ni Gisselle na dalaga na, hindi niya matanggap na dinidisiplina siya ng isang pulis na hindi niya naman kilala. Ang nais niya lang naman ay magrebelde dahil sa sama ng loob niya sa sarili niyang ama na dating pulis, na aniya’y tila wala naman daw sa katuwiran, at abusado sa karapatan ng kababaihan. Naging party girl siya dahil sa mga barkada niya at sinasadyang magpa-late ng uwi upang inisin ang kaniyang ama. Pero ang hindi niya alam, iyon na pala ang huling beses na magagawa niya ang mga bagay na ’yon. Nahuli siya ng mga pulis sa kalsada nang hating-gabi, at naging buena manong curfew violator sa gabing iyon. Napatawan siya ng community service sa loob ng isang buwan. Naiinis siya sa tuwing nakakakita siya ng mga pulis, lalo na ang lalaking hindi niya inaasahang makikilala niya. Naiinis siya lalo dahil desidido itong palambutin ang ulo niya. Tahimik lamang itong lalaki pero walang sinoman ang kayang bumali sa mga salita nito. Hanggang sa hindi niya namamalayan na nag-iiba na pala ang tingin at pananaw niya sa mga pulis, na hindi pala lahat ay masasama tulad ng iniisip niya noon. May tulad pa rin pala ni PCol. Carlos Joseph Guevarra na matino at disiplinadong pulis na magpapatino sa kaniyang rebeldeng pag-iisip. Lingid sa kaalaman ng dalaga, may lihim palang interes sa kaniya ang single at treinta y tres anyos na pulis. Kaya naman pala kahit na anong gawin niya ay pinapansin agad nito at todo kung makaprotekta sa kaniya. Papaano niya kaya mapipigilan ang lalaki kung siya mismo ay hindi ito magawang mapaikot sa mga kamay niya?
1014.2K 조회수참여서재에 283회 accept quotes로 추가됨
보기
+보관함
The Forced Bride

The Forced Bride

JL Naya
Betrothed by her grandparents, Zoey, despite her opposition has no way but to agree and accept her despicable fate. Pikit-mata niya itong tinanggap kahit pa man ay isang taong nakatadhang buong buhay na yata niya kamumuhian. Francis, Anak ng maimpluwensyadong pamilya sa kanilang lugar. Lahat ng katangian nito ay kinakainisan niya na. Pinaka-aayaw man nila'y ito naman ang pinakahihintay ng nakararami. To be able to finally tie the knot between two influential families would be one, great event in the history in their town that everyone has long been waiting.Isang matagal ng pangako na pinangarap ng dalawang pamilya na pilit tinutupad sa henerasyon nila. Sa araw-araw ng kanilang pagsasama, walang panahon na hindi nila ipinakita sa isa’t-isa ang lantarang pagkadisguto. Ngunit sa likod ng kaniyang di maintindihang ‘di pagkakaunawaan ay nakakubli ang isang damdaming di maipaliwanag. Damdamin na lumukob sa kanyang buong pagkatao na kailanman ay hindi matutugunan. Sapagkat, pinagmamay-ari niya man ang buong pagkatao nito, hindi naman ang puso. Sa dumaang panahon ay tuluyan na ring nagbago at naglaho ang dating Francis na kilala niya- total opposite na ito ngayun lalo pat magkakaanak na sila. Ngunit, sadya yatang mailap sa kanya ang tadhana. Ang dagling kaligayahan ay naglaho ng bumalik sa buhay nila ang babaeng iniirog, hanggang sa nakunan siya. Ang minsay naging maalab na damdamin ay napalitan na ng ga-lawak na nagyeyelong lawa. Ang minsa’y matamis na mga salita ay naging isang parang nakalalasong damu na namiminsala sa gitna ng nangingintong hardin. Nakaya pa kaya niyang panindigan ang kasabihang “Love pulls stronger than of pain and hatred”? Paanu nga ba iyon kung sukdulang sakit na ang iyong naranasan, pikit mata na lang ba? Tunghayan natin ang kwentong magpapa-iyak at magpapaibig sa atin, kwento ng makabagong henerasyun na nagapos sa napaglumaan nang pangako ng kahapon.
101.7K 조회수연재 중서재에 39회 accept quotes로 추가됨
보기
+보관함
이전
1
...
101112131415
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status