Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Babysitting The Lost Billionaire

Babysitting The Lost Billionaire

Nang gabing iniwan si Dominic ng kanyang kasintahan ay siyang nakatagpo rin niya ang babaeng walang malay at sugatan, nang magising ay walang maalala at bumalik ang pag-iisip sa pagkabata. Hindi akalaing ang babaeng 'yon ay isa pa lang bilyonarya, binalik niya ang dalaga kapalit ng pera para maipagamot ang tatay-tatayan. Sa paglipas ng taon ay nanumbalik ang alaala ni Amara ngunit hindi na niya maalalang nakilala niya minsan sa buhay niya si Dominic. Hanggang sa isang araw ay muling nagkrus ang kanilang landas, aplikante sa kanyang kumpanya ang lalaki. Nang maging secretary niya ito ay pinatuloy rin niya sa mansion niya si Dominic na siyang naging simula ng muling pag-usbong ng kanilang pagmamahalan. Ngunit ito’y masisira sa isang rebelasyon na si Dominic pala ang nawawalang anak ng bilyonaryo at sikat na businessman na siya ring dahilan kung bakit namatay ang mga magulang ni Amara.
10634 viewsOngoingIdinagdag sa Library 20 Beses bilang amara arcane
Read
+Library
The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance

The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance

Mapipilitan si Sandy na umalis sa kinalakihan niyang lugar sa probinsiya para sa isang kasal. Kinuha siya ng magulang niya para ipakilala siya kay Dwight Montemayor, ang lalaking hindi na nagawa pang makalakad dahil sa isang aksidente. Pumayag si Sandy na ipakasal siya kay Dwight hindi dahil mayaman ang pamilya nito. Meron siyang malalim na dahilan kaya pumayag siyang makasal sa binata, ngunit sa kabila ng lahat ay magiging magulo ang buhay ni Sandy sa poder ng kanyang magulang dahil sa kanyang kapatid na si Amara. Laging ito ang mas magaling at mabuti, kahit kabaliktaran naman lahat ng pinapakita nito kay Sandy, at isa pa, ang iniibig ng kanyang kapatid ay ang kanyang mapapangasawa, si Dwight. Kaya mas lalong magiging magulo ang lahat sa pagitan nila Amara at Sandy. Muli kayang makalakad pa si Dwight? Darating pa kaya ang panahon na mapapatawad ni Sandy ang kanyang magulang?
106.8K viewsOngoingIdinagdag sa Library 265 Beses bilang amara arcane
Read
+Library
Babysitting my Billionaire Ex-Husband

Babysitting my Billionaire Ex-Husband

(Nexus Almeradez's story) Annulled si Amara Stephanie sa kanyang asawa. Two years later, nakatanggap siya ng tawag mula sa pamilya nito. Na-aksidente ang dati niyang asawa at tanging siya lang ang naalala nito. Naki-usap sa kanya ang pamilya ng dating asawa na manatili siya sa tabi nito at tulungan itong makaalala. They offer her a big amount of money that she couldn’t resist. Kailangan niya iyon sa expansion ng kanyang business. Tinanggap niya ang offer, nasa isipan na trabaho lamang at walang personalan. Sa perspketibo ng dati niyang asawa, kasal pa sila kaya kung umasta ito ay parang wala itong kasalanan sa kanya. Kung kumilos ito ay parang noong dating mag-asawa pa sila. Nilalambing, binibigyan ng bulaklak at kahit hirap ay inaalala siya nito. Those gestures of him make her weak again. Nexus Almeradez is a walking trouble that she should avoid. Kumakatok na naman ito sa puso niyang nagsisimula na naman mahulog dito. She’s falling for him again and again. Oh no—yes!
10176.9K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 6.0K Beses bilang amara arcane
Ipakita ang mga Review (27)
Read
+Library
pariahrei
Vioxx Almeradez story is UP! nasa Sebastian's Downfall book. kasunod ng story ni Sevirious Rocc. Sebastian's Downfall (Sebastian and Neshara Story) Womb for Rent (Sevirious and Kaye Story) Mommy Nanny (Vioxx and Danica Shane story)
Nihan
Congratulations po ms.pariahrei! Isa na namang kuwento ang natapos ninyo. Kahit sinabi ninyong toxic ang story ni Steph at Nix , masasbi kong isa prin ito sa magagandang kwentong nabasa ko. Aabangan ko po ulit ang next story ninyo.
Basahin ang Lahat ng Review
Amnesia's Curse, Mafia's Love

Amnesia's Curse, Mafia's Love

Amnesia’s Curse, Mafia’s Love Aurelia Noelle Montclair, the Billionaire Queen heiress, had everything beauty, power, and a future waiting for her. Pero hindi lahat masaya sa success niya. Her stepmother, Isabella, secretly planned her death to take all the wealth and control the Montclair empire. One night after work, Aurelia’s car was sabotaged. While she was on the phone with her best friend, the brakes failed, leading to a tragic crash. The world believed she was gone. Pero fate had other plans. Aurelia survived but lost her memory. A poor yet loving family found her and gave her a new name Celeste Amara Valdez. She started a new life, simple and far from the world of riches she once knew. Enter Alessio Rafael Moretti, a half-Filipino, half-Italian billionaire mafia boss feared by many. When their paths crossed, destiny sparked between them. Pero Alessio knew love was dangerous in his world. Kahit tinutulak niya palayo si Celeste, he secretly protected her. As Celeste regains fragments of her past, the truth about her stepmother’s betrayal slowly comes out. She must face who she really is Aurelia, the lost heiress while Alessio must decide if he’s willing to risk everything for love.
10544 viewsOngoingIdinagdag sa Library 16 Beses bilang amara arcane
Read
+Library
Billionaire’s Regret: His Lover And His Triplets

Billionaire’s Regret: His Lover And His Triplets

Anim na taon matapos iwan ni Jane Samaniego ang Maynila habang buntis, sugatan, at halos mamatay sa apoy, bumalik siya kasama ang kaniyang pinakamalaking sikreto—ang triplets na anak ng bilyonaryong si Matthew Rivera. Noon, kilala siya bilang Amara Rivera, ang ampon na babaeng minsang minahal at iniwan ng pinakamakapangyarihang lalaki sa Maynila. Akala ni Jane, sapat na ang pagtatago upang tuluyang ibaon ang nakaraan. Pero sa isang police raid sa bar ng kapatid ni Matthew, muling nagkrus ang landas nila. At sa unang tingin pa lang, parang may kung anong pilit inaalala si Matthew tungkol sa babaeng matagal na niyang pinaniwalang patay na. Habang unti-unting lumalapit si Matthew sa katotohanan, mas desperado namang protektahan ni Jane ang kaniyang mga anak—lalo na si Lucas, ang panganay na halos kopya ng malamig at mapanganib na lalaking minsan niyang minahal. Pero paano kung malaman ni Matthew na may tatlo siyang anak? At paano kung ang babaeng matagal niyang iniiyakan sa katahimikan… ay buhay pala at nagtatago sa kaniya? Sa pagitan ng kasinungalingan, kapangyarihan, at isang pag-ibig na hindi kailanman namatay, muling magbabanggaan ang dalawang pusong winasak ng nakaraan. Ngunit sa pagkakataong ito— hindi lang puso ni Jane ang nakataya. Kundi pati ang sikreto ng kaniyang mga anak.
110 viewsOngoingIdinagdag sa Library 2 Beses bilang amara arcane
Read
+Library
Taming the Ruthless CEO

Taming the Ruthless CEO

Si Keira Amara Lacson ay napilitang pumasok sa isang kasunduang kasal. Ang kanyang mapapangasawa ay walang iba kundi si Xavier Cross Dela Vega, ang kinatatakutang CEO na kilala sa pagiging malupit at walang awa. Ginawa niya ito upang iligtas ang negosyo ng kanyang ama, ngunit hindi niya inaakalang hahakbang siya sa isang mundong puno ng lihim at panganib. Akala niya ay simpleng pagpapanggap lamang ang lahat, ngunit habang tumatagal ay may mga bagay siyang natutuklasan tungkol kay Xavier. May mga pagkakataong ipinapakita nito ang lambing at pag-aalaga, ngunit may mga sandaling tila ibang tao ang kanyang kasama. Magulo ang kanyang nararamdaman, lalo na at tila may mga lihim na itinatago ang buong pamilya Dela Vega at ang mga taong nakapaligid sa kanila. Habang lumalalim ang kanilang ugnayan, sunod-sunod na lumalabas ang mga katotohanang yumayanig sa kanyang paniniwala. Ang kanyang pagkikita at kasal ay tila hindi sadyang tadhana lamang at may mas malalim na dahilan ang lahat ng ito. Sa gitna ng mga nakatagong plano at nakaraang puno ng galit ay may isang nakakagulat na rebelasyong naghihintay na mabunyag ang isang katotohanang magbabago ng lahat at magtutulak sa kanila sa isang sitwasyong hindi nila inaasahan.
207 viewsOngoingIdinagdag sa Library 5 Beses bilang amara arcane
Read
+Library
Vengeance of the Reborn CEO’s Wife

Vengeance of the Reborn CEO’s Wife

📖 S Y N O P S I S Vengeance of the Reborn CEO’s Wife Sa paningin ng lahat, si Aurora Steele ay may perpektong buhay — asawa ng makapangyarihang negosyanteng si Xavier Steele, ina ng isang mabait at maganda nilang anak na si Amara, at ginagalang ng lipunan bilang huwarang babae. Ngunit sa likod ng magarang ngiti at marangyang tahanan, nakatago ang malamig na distansya, mga lihim, at mga kasinungalingang unti-unting sumisira sa kanyang mundo. Pagbalik ng kanyang kambal na si Lilith, dala ang isang batang lalaki na may parehong mga mata ni Xavier, nagsimulang mabunyag ang mga lihim na matagal nang inilihim sa kanya. Hanggang sa isang gabi ng trahedya, lason ang pumatay sa kanyang anak — at ang tiwala ni Aurora ay tuluyang gumuho. Pinagkamalan siyang baliw, tinuligsa ng asawang minsan niyang minahal, at iniwan sa dilim ng sariling pagkawasak. Ngunit hindi doon nagtatapos ang kanyang kuwento. Sa misteryosong pag-ikot ng tadhana, nagising si Aurora — isang taon bago mangyari ang lahat. Ngayon, dala niya ang lahat ng sakit, ang lahat ng alaala, at ang lahat ng dahilan upang magbago. Hindi na siya ang babaeng umiiyak sa dilim. Hindi na siya ang asawang nagmamakaawa ng pansin. Ngayon, siya na ang reina ng sariling laban — tahimik, matalino, at mapanganib. Sa ilalim ng mapanlinlang na ngiti, itatago niya ang kanyang mga plano. Sa bawat salita, itatali niya muli ang mga taong minsang sumira sa kanya. Ngunit sa oras na bumalik ang mga anino ng nakaraan, isang bagay ang malinaw: Ang babaeng minsang tinalikuran, ngayon ay muling isinilang — hindi para magmahal, kundi para gumanti.
101.1K viewsOngoingIdinagdag sa Library 31 Beses bilang amara arcane
Read
+Library
The Billionaire's Contracted Wife

The Billionaire's Contracted Wife

Si Amara ay isang matalinong corporate consultant na bihasa sa iba't ibang usapan sa loob ng boardroom, ngunit dahil sa biglaang problema na kinaharap ng pamilya niya ay napilitan siyang tanggapin ang isang “deal” sa lalaking hindi niya kailanman naisip na magagawa niyang lapitan for the sake of her family's survival. Para iiwas ang kanyang ama sa pagkakakulong at upang iahon sila sa pagkakalugmok sa milyones na utang na wala siyang kaalam-alam, napilitan siyang tumanggap ng tulong mula sa CEO ng kompanyang kanyang pinagtatrabahuan. Dala ng desperasyon na maayos ang problema nila, tinanggap niya ang alok ng nag-iisang Cadmus Saint Aleksandr, kilalang cold, ruthless billionaire ng Aleksandr Conglomerates. Ang kapalit ng papeles na pinermahan niya ay kontratang magtatali sa kanya at magbibigay limitasyon sa kalayaan na mayro'n siya. She needs to sign a contract where she is required to act as Cadmus' wife and the contract will end... ONLY if she bears a child—an heir of Cadmus' wealth, a child destined to continue the legacy of a prominent family—Aleksandr. Matatagalan kaya niya ang buhay bilang asawa ng isang bilyonaryo kung saan bawat galaw ay lantad sa publiko at madalas gawan ng issue o piliin niyang sumunod sa kontrata kung saan pagkatapos ng dalawang taon ay aalis ito at kailangan maglaho? Magawa niya kayang panindigan ang bulong ng isip na kontrata lamang ang pagsasama nila, o hahayaan na lang sundin ang puso at reaksyon sa init na nararamdaman sa bawat paglapit ng lalaki? Sa mundong pinasok, sa kontratang sinelyohan, alin ang pipiliin niya, ibabalik ba ang sakit na maaring maramdaman habang nasa puder s'ya ng lalaking ayaw niyang makasama o tatanggapin ang sinasabing pag-aalala at pagmamahal ng lalaking nagparamdam sa kanya ng mga bagay matagal pangarap maramdaman?
10249 viewsOngoingIdinagdag sa Library 9 Beses bilang amara arcane
Read
+Library
PREV
12345
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status