Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Melting The CEO's Cold Heart

Melting The CEO's Cold Heart

Glen Da O2r
Davidson is known as a cold as Ice CEO of Montevella Corp. Everyone in Montevella Corp can't get close to him, unless they are executive members or family-related. At age of thirty, he didn't expect na kailangan niya ng magpakasal kahit wala sa plano niya. He needs to make a marriage arrangement with the daughter of Benavidez Company.  Pero bago pa mangyari ang kasalang pinaplano ay biglang dumating ang isang babae sa buhay ni Davidson. She's Keirah Gustavo, a twenty-years old childish employee of Montevella Corp.  Akala ni Davidson ay normal lang ang lahat, ngunit hindi niya alam na ito na pala ang umpisa na magulo ang nananahimik niyang mundo.  Ang kaibahan ni Keirah ay nagpabago sa malamig na binata. Dahil unti-unti lang naman nitong pinapainit ang ulo niya. But Keirah is always approaching him even tho tinataboy niya ito.  He can’t accept the fact na napapasaya siya ng dalaga sa mga simpleng bagay na ginagawa nito.  Kung kailan naman ay masaya na si Davidson sa presensya ng dalaga ay saka naman ito naglahong parang bula. And for the second time doubting himself, he couldn’t accept the fact na namimiss niya ang dalaga. Nahuhulog na ba siya dito o nadadala lang siya sa mainit na pakikisama nito sa kanya?  At isang tanong ang bumabagabag kay Davidson… Paano niya ba sasabihin sa dalaga na ikakasal na siya? Paano niya ba sasabihin dito na nakatali na siya sa isang kasunduan? 
106.0K viewsCompletedAdded to Library 196 Times as astig na pangalan
Read
+Library
Mysterious Marriage

Mysterious Marriage

Ang kasal ay dapat na simbolo ng wagas na pag-ibig, ngunit para kina Ethan Blackwood at Ava Morales, ito ay isang selyadong kontrata ng mga nakatagong intensyon. Sa isang lihim na seremonya, nagpalitan sila ng sumpa na walang ibang saksi kundi ang kanilang mga pansariling agenda. Si Ethan, ang makapangyarihang tagapagmana, ay nagpakasal lamang upang takasan ang arranged marriage na pinipilit ng kanyang mga magulang kay Sophia. Sa kabilang banda, si Ava ay pumasok sa buhay ni Ethan dala ang isang madilim na misyon: na tuklasin ang katotohanan sa likod ng misteryosong pagkamatay ng kanyang ama, na pinaniniwalaan nilang may madugong kaugnayan sa pamilyang Blackwood. Sa simula, ang lahat ay purong negosyo at kontrata. Ang dating pagpapanggap ay nauwi sa totoong nararamdaman; nahulog ang loob ni Ethan sa katapangan ni Ava, habang si Ava naman ay nagsimulang malunod sa pagmamahal ng lalaking dapat sana ay kanyang kaaway. Subalit ang kanilang marupok na kaligayahan ay agad niyanig ng mga lihim ng nakaraan. Habang pilit na ipinaglalaban ni Ava ang katarungan, pinili naman ni Ethan na tumayo sa panig ng katotohanan upang iligtas ang kanilang relasyon, kahit pa ang kapalit nito ay ang pagbagsak ng sarili niyang pamilya. Hindi pa doon nagtatapos ang paghihirap. Ang ina ni Ethan na si Victoria ay naglunsad ng isang maruming plano upang sirain ang dangal ni Ava. Ginamit niya ang pinsan ni Ethan na si Lucas upang palabasin na may lihim na relasyon ang dalawa. Kasabwat ang selosang si Sophia, kumukuha sila ng mga huwad na ebidensya upang pilitin ang isang masakit na diborsyo sa pagitan ng mag-asawa. Ngayong nakabaon na sila sa rurok ng traydor at kasinungalingan, paano haharapin ni Ethan at Ava ang katotohanang bawat isa sa kanila ay biktima ng sarili nilang mga lihim? Magpapatuloy pa kaya ang pinaglalaban na relasyon?
10541 viewsOngoingAdded to Library 14 Times as astig na pangalan
Read
+Library
One Night Mistake Of True Love

One Night Mistake Of True Love

Nalasing. Pumasok sa maling kwarto ng gabing iyon si Aliah na naging dahilan para maranasan niya ang isang gabing pagkalimot kasama ang isang estrangherong lalaki. Ngunit hindi niya ipinagkaila sa sarili na nagustuhan niya iyon at inisip na isa na lang iyong magandang panaginip na pagkawala ng kanyang virginity. Pero hindi niya akalain na magbibigay iyon sa kanya ng malalang sakit sa katawan kaya nagpasya siyang magpatingin sa doktor sa pag aalalang may makuha siyang sakit sa lalaking nakaniig niya. Gayunpaman, tila ang liit ng mundo na sa pag aakalang hindi na niya makikita ang estrangherong lalaking iyon. Dahil ang lalaking nakaniig niya ng gabing iyon ay ang mismong doktor na titingin sa kanyang kalagayan. Gusto sana niyang umatras at umalis na lang, ngunit nakita naman niyang walang pagpalatandaan na nakikilala siya nito. Kaya nanatili siya at hinayaan na suriin siya ng doktor. Pero hindi niya akalain na ang pagsusuri sa kanya ng doktor ay magbibigay daan pala para tuluyang mahulog ang loob niya dito at matali sa isang kasunduan dahil hinihingi na nito na panagutan niya ito. Pero teka! Sandali lang. Baliktad yata. Hindi ba dapat siya ang panagutan nito dahil ito ang lalaki?
1012.4K viewsOngoingAdded to Library 248 Times as astig na pangalan
Read
+Library
Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession

Stolen Heart: The Billionaire's Twin Obsession

Jeadaya_Kiya18
Kinakayod ni Ella ang hirap ng pagiging-escort para sa mga utang ng mabisyo niyang nanay. Mula pa bata nang siya ay magsimulang pasukin ang iba't-ibang trabaho dahil sa hirap ng buhay. Isang simpleng babae na walang ibang pinangarap kung hindi ay ang magkaroon ng maganda at payapa na pamumuhay. Ngunit, nang dahil sa isang kasalanan na hindi naman siya ang gumawa ang kaniyang pagbabayaran. Nang dahil sa pagkakahawig nito sa isang gold digger na minamahal ng isang bilyonaryong tao ay tuluyan na nagbago ang takbo ng kaniyang buhay. Gumanda ang kaniyang pamumuhay, wala na ang araw-araw na pagsabak niya sa pagpapasaya sa iba't-ibang lalaki sa bar at kahit hindi ito magtrabaho ay maaari na niyang bilhin at gawin ang lahat ng naisin nito habang, kapalit ng mga ito ay ang pagkakakulong niya sa isang lalaki na minsan man ay hindi niya nakilala o nakita sa tanang buhay. Isang lalaki na sa una pa lang ay pinakitaan na siya ng kasamaan at pagmamalupit. Dito na ba tuluyan mababago ang isang normal at payapang pamumuhay ni Ella? Titingnan na lamang ba niya itong oportunidad para iahon sa hirap ang kaniyang sarili at nanay o mas pipiliin niya pa rin na tumakas sa nakasasakal na kamay at nakasusulasok na pag-uugali nito? Paano niya nga ba magagawa na malulusutan ang problema na hindi naman siya ang gumawa?
1.4K viewsOngoingAdded to Library 45 Times as astig na pangalan
Read
+Library
Walking Disaster

Walking Disaster

Sept
Literal na delubyo o sakuna ang tingin ni Darlene Lopez kay Ashford Walker. Simula nang aksidente o sinadya man ni tadhana na makilala ni Darlene si Ashford ay hindi na naging normal ang takbo ng kaniyang buhay. Hindi na nga naging maganda ang naging pagkikita nila ay dumagdag pa ang isang pagkakamali na maghahatid sa kaniya para kagatin ang trabahong magpanggap bilang isang lalaki na lingid sa kaalaman ni Ashford—kapalit ang salaping sasagot sa lahat ng dinadamdam niya. Hindi lang isang lalaki, kung ‘di isang hamak na body guard slash alalay pa ni Ashford Walker na punung-puno ng kayabangan at kahanginan sa katawan. Magiging amo niya ang lalaking uutas ng kaniyang buhay. Ang lalaking titigan palang siya ay nanlalambot na siya. Ang lalaking kayang patigilin ang ikot ng kaniyang mundo at patidin ang kaniyang paghinga gamit lamang ang pamatay nitong mga galaw. Si Ashford na dinaig pa ang isang bagyo sa lakas ng dinadalang hangin sa katawan. Si Ashford, ang lalaking pinantayan ang isang lindol, na walang ginawa kung ‘di yanigin ang kaniyang buhay. Makakayanan kaya ni Darlene na bantayan ang lalaki sa kabila nang kaliwa’t kanan na gulong pinapasok nito? O ang dapat ba niyang bantayan at ingatan ay ang kaniyang puso na nagsisimula nang tumibok para dito?
1.3K viewsOngoingAdded to Library 30 Times as astig na pangalan
Read
+Library
The Billionaire is Chasing Me After Divorce

The Billionaire is Chasing Me After Divorce

Tatlong taon na ang lumipas mula noong ikasal sila pero hindi pa rin makuha ni Czarina ang pagmamahal at atensyon ni Zayden. Palagi nalang ibang babae at trabaho ang pinipili ng lalaki at tiniis niya iyon. "Let's get a divorce..." sabi ni Czarina matapos siyang pagalitan ni Zayden dahil sa isang aksidente na hindi naman siya ang may kasalanan. Puno ng galit at pagkadismaya ang puso ng babae. Namumutla at nanginginig ito pero ni kamustahin siya ay hindi ginawa ni Zayden, bagkus ay inaway pa siya nito. Doon niya naramdaman na wala lang talaga siya sa buhay ng lalaki. Nagulat si Zayden sa narinig ngunit hindi niya iyon sineryoso, sa pag-aakala na isa lang iyon sa mga kaartehan ni Czarina. Ngunit mula ng araw na iyon ay hindi na umuwi ang babae. Nadatnan nalang ni Zayden na wala na ang mga gamit nito at may pirmado ng divorce papers sa mesa. "Fvck..." Binigyan niya ng ilang araw ang babae sa pag-aakala na babalik din ito. Pero sa ilang beses nilang pagkikita ay unti-unti niyang nare-realize na hindi na babalik sa kanya si Czarina. Nagulat na lamang si Czarina ng isang araw na pumunta si Zayden sa kanya na lasing, mugto ang mata, at nagmamakaawa. "Come back home, please..." he begged. "Let me be your husband again."
9.8272.0K viewsOngoingAdded to Library 7.9K Times as astig na pangalan
Show Reviews (35)
Read
+Library
mindyourown
Comment ng readers: deretso na sa exciting part at pahirapan naman yang si Chloe, masyado na mahaba ang story nakafocus lang naman sa babaeng sinungaling habang nasasaktan ang mga bida. NAKUPOO ANG LALAAAA!
Onria Pulga
sana makabwibawi Naman PO ang Bida para maging masya Naman sya d parte si chloe ang Masaya at nag tatagumpay sarap sbunutan ni chloe inis ako 20 haha tpos yansi zayden bruha dn may narramdaman na dpa umamin dmi kong grrrrr..
Read All Reviews
Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle

Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle

Isang gabi bago ang kanyang kasal, muntik nang mapahamak si Jane sa tinatahak niyang liblib na daan nang harangin siya ng mga armadong lalaki. Sa gitna ng matinding panganib, desperado siyang tumawag sa kanyang fiancé na si Kian. Pero sa halip na tulong, pangungutya ang natanggap niya habang nasasaksihan ang kataksilan nito kasama ang sarili niyang pinsan na si Scarlet. Durog sa dobleng pagtataksil, dumating si Aviv Averoné, ang tiyuhin ni Kian, at iniligtas siya mula sa kapahamakan. Dahil sa galit at desperasyon, nakiusap si Jane na ito na lamang ang pumalit bilang groom niya. Isang katahimikan ang namayani matapos ang kanyang pakiusap. Ngunit kalaunan ay pumayag din si Aviv kapalit ng isang malamig na kondisyon: kailangan niyang gampanan ang tungkulin bilang isang tapat na asawa at bigyan ito ng tagapagmana. Inakala ni Jane na ang kasal nila ni Aviv ay isa lamang malamig na transaksyon. Pero unti-unti niyang napagtanto na higit pa sa isang kasunduan ang nais nitong mabuo sa pagitan nila. Ngayong pag-aari na siya ng makapangyarihang tiyuhin ng kanyang dating fiancé, isang bagong laro ng pag-ibig at pagnanasa ang magsisimula. Sa pagitan ng malamig na kasunduan at nagbabagang emosyon, mahahanap ba ni Jane ang tunay na kaligtasan sa piling ng lalaking kanyang pinili?
104.2K viewsOngoingAdded to Library 142 Times as astig na pangalan
Read
+Library
HIDING HIS TWINS (BOOK 2)

HIDING HIS TWINS (BOOK 2)

Pseudonym
Ilang taon niyang inantay na mahalin siya ng lalakeng noon palang ay gustong-gusto na niya. Ipinagkasundo silang ikasal ng mga magulang nila at sobrang saya niya simula nong tumira na sila sa iisang bahay at sa wakas makakasama niya na rin si Ken. Sa tagal ng pagsasama nila ay nabago niya si Ken, si Ken na malambot na sa lalake lang dapat na a-attract kase nga isa itong bakla. At dumating na nga ang pinakaaantay niya. Minahal na siya ng taong mahal niya pero di nag tagal biglang nag bago ang lahat. Biglang naging cold at mapanakit ang dating malambing niyang asawa... Hanggang sa nalaman niya rin na niloloko siya nito...
102.2K viewsOngoingAdded to Library 44 Times as astig na pangalan
Read
+Library
The Art of Pretending

The Art of Pretending

Lahat gagawin ni Agatha upang mapalapit siya kay William Mercado, ang milyonaryo na CEO ng Mercado Reality Service. Sampung taon na siya na lihim na nagkakagusto sa binata kaya naman nagpanggap siyang mahirap upang mag apply ng janitress sa kompanya niya. Ngunit sadya yata na umaayon sa kaniya ang tadhana dahil inalok siya nito ng kontrata ng kasal at sinabi na aanakan siya ng binata, sino ba naman siya para tumanggi gayon ito naman ang gusto niya ang maging ganap na asawa ng binata. Sadyang mapaglaro ang tadhana dahil kung kailan kasal na si William ay tiyaka naman bumalik ang first love niyang si Jessica Miranda, ang babaeng pinangakoan niya na uunahin niya sa lahat ng bagay, kahit pa sa kaniyang asawa. Ngunit ang aksyon niyang ‘yon ang magiging dahilan upang ang pagmamahal na nararamdaman ni Agatha ay unti-unting maglaho. Kakayanin kaya ni Agatha ang pinaparamdam na sakit ni William sa kaniya? Mare-realize kaya ni William ang pagkakamali niya o tuloyan mawawala sa kaniya si Agatha? Kayanin kaya ni Agatha na manatili sa tabi ni William at paibigin ito gaya ng plano niya o tuloyan na siyang sumuko at bumalik sa dati niyang buhay?
101.7K viewsOngoingAdded to Library 38 Times as astig na pangalan
Read
+Library
Contract Marriage with My Dad's Bestfriend

Contract Marriage with My Dad's Bestfriend

[MATURE CONTENT] "I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride." Mga salitang ayaw marinig ni Athena pero wala na siyang magagawa pa dahil ngayon ay tuluyan na siyang naikasal kay Lucas. Dahil sa pagiging pasaway ni Athena ay napagdesisyunan ng kanyang ama na ipakasal siya sa bestfriend nito na si Lucas Infante. Bagamat malaki ang agwat ng kanilang edad ay wala na ring nagawa pa si Athena dahil sa ayaw naman niyang tuluyang magalit ang kanyang ama sa kanya kaya naman napilitan na lamang siyang sundin ang nais nito. Nagkaroon ng kasunduan sila Athena at Lucas. Pero sa paglipas ng taon ay unti unti ng nahuhulog ang loob ni Athena kay Lucas pero nahihiya siyang umamin sa tunay na nararamdaman niya para rito dahil sinabi niya sa sarili niya na hinding hindi niya mamahalin si Lucas. Pero ano nga ba ang gagawin ni Athena ngayon na mawawalan na ng bisa ang kanilang kasal ni Lucas? Aamin ba siya sa tunay na nararamdaman niya rito para hindi na matuloy ang paghihiwalay nila? O tuluyan na lamang niyang kakalimutan ang nararamdaman niya para kay Lucas dahil nahihiya siyang umamin dito?
10892 viewsOngoingAdded to Library 19 Times as astig na pangalan
Read
+Library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status