End of Passion
Inilibot ko ang paningin sa amusement park, at nagliwanag ang mga mata ko nang makita ang Ferriss wheel.
“Mama, may pera ba tayo para sumakay doon?” tanong ko saka itinuro ang Ferriss wheel, tumango naman sila. Kaya sumakay kami doon, napakalawak ng ngiti ko habang nakadungaw sa mga bintana, nakakalula pero napakasarap sa pakiramdam. Lalo na ng maramdaman kong gumalaw na ang aming sinasakyan. Nag-apir kaming magkapatid saka kami naghawak ng kamay, kinakabahan pero nakangiti pa rin sa isa’t isa. Pagkababa namin mula doon ay hindi na nawala ang ngiti sa aming mga labi.
“Happy birthday anak, 13 kana, mag-aaral kang mabuti ha,” bilin ni papa, ako naman ay tangu nang tango.
Chapitres populaires