Hiding His Mistress: Diovanni de Marcel
tanong ko, malamig ang boses.
"Dahil hiwalay na kami ngayon. Nag-file na kami ng divorce, at susunod na buwan ay aasikasuhin na namin ang paghihiwalay namin. Shuen, pakiusap, huwag mong hayaang mawala si Diovanni. Huwag mong ulitin ang nagawa ko noon dahil isa ito sa mga pinagsisisihan ko ngayon. Si Diovanni ay isang mabuting tao, tunay na nagmamahal at handang ibigay ang lahat sa taong mahal niya, kahit pa mapagod siya. Bigyan mo siya ng isa pang pagkakataon dahil alam ko na sa pagkakataong ito, magiging masaya kayong dalawa." Iyon ang mga huling salita ni Katarina bago siya tuluyang umalis.