Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Darkness of Desire

Darkness of Desire

First Generation: Entangled Hearts Series #1 Anak nang isang kilalang business owner si Katherine Victoria Von Schmitt. Matapos niyang magbakasyon sa ibang bansa, umuwi kaagad siya sa Pilipinas, at dumiretso sa kanilang bahay. Ngunit hindi niya inaasahan na may naghihintay pa lang malaking problema sa kaniya. Her father was using illegal drugs, got addicted to gambling, and drank liquor as if his life depended on it. Ang nakaiinis pa ay walang alam si Katherine sa mga bisyo ng kaniyang ama. Kung hindi pa dumating ang mga lalaking hindi pamilyar sa kanilang bahay, baka habang-buhay ‘yon itatago ng kaniyang ama. “Your father had a huge debt, Miss Von Schmitt.” Para siyang pinagbagsakan nang langit, at lupa. Ni hindi niya alam kung paano magre-react, dahil sa kaniyang narinig. Nagkaroon sila nang malaking utang, at imposible raw na mabayaran niya ‘yon. Millions din ‘yon, at malaki ang interest kaya mas lalong lumalaki ang utang ng kaniyang ama. “Sign the damn document, Miss Victoria. Be my contracted wife and carry my child,” he mumbled dangerously. “Once you fulfill your duty, you will be free from this setup. You’re not going to pay his debt anymore.”
104.3K viewsOngoingAdded to Library 124 Times as dumating
Read
+Library
The Betrayed Wife

The Betrayed Wife

Siya ang pinaka magandang babae para sa asawa niyang si Liam,pero noon iyon.....noong panahon na wala pa siyang malubhang karamdaman. Ang mas masakit na nadiskubri niya ay ang relasyon nito sa kababata nitong si Nathalie. Hindi niya masumbat si Liam at ang kabit nito dahil alam niyang darating ang panahon na mamamatay siya. Pero isang trahedya ang dumating sa buhay ni Amaiah.Akala ng lahat ay patay na siya pero iniligtas siya ng isang taga isla nang sumabog ang yate na kanyang sinasakyan. Sa islang 'yon ay natuto siyang lumaban.They trained her to be an assassin.Naging mabuti na rin ang pakiramdam niya sa islang iyon, totally free from cancer. May sumasabotahe ba sa kanya dati at puro kasinungalingan lamang ang sakit niya? Ano kaya ang madidiskubri niya sa muli niyang pagbalik sa buhay ni Liam bilang si SERENA? Mananaig ba ang kanyang pag-ibig sa dating asawa na ngayon ay kasal na kay Nathalie? o mas mananaig sa kanya ang kagustuhan na paghigantihan ang mga taong tinraydor siya? Ito ang istorya ni Amaiah aka " The Betrayed Wife"
1048.1K viewsOngoingAdded to Library 1.2K Times as dumating
Read
+Library
Hindi Inaasahang Asawa

Hindi Inaasahang Asawa

Ang araw na inakala ni Ruby na magiging pinakamasayang sandali ng kanyang buhay ay nauwi sa isang bangungot. Iniwan siya sa altar ng lalaking pinakamamahal niya—si Haven Davidson—walang paliwanag, walang mensahe, walang bakas. Sa loob ng maraming taon, tapat siyang naghintay. Kumapit sa pag-asa, sa pag-ibig, na unti-unting naging sugat sa puso. Hanggang sa dumating ang araw na nalaman niya ang katotohanan—at tuluyang gumuho ang kanyang paniniwala. Ang lahat ng paghihintay... ay nauwi sa wala. Ang pagmamahal niya... matagal nang namatay. Pagkalipas ng apat na taon, bumalik si Haven. Ngunit hindi yakap ang sumalubong sa kanya—kundi isang demanda ng diborsyo. At si Ruby? Nawala na lang na parang bula. Doon lamang napagtanto ni Haven: mahal pa rin niya si Ruby. Mahal na mahal. Ngunit huli na ba ang lahat? Sa pagitan ng pag-ibig at konsensya, determinado si Haven na hanapin si Ruby at itama ang lahat ng pagkakamali. Pero... maaari pa bang buhayin ang pusong matagal nang nawasak? Ano nga ba ang tunay na nangyari noon? At ano ang nagtulak kay Ruby para tuluyang lumayo at tapusin ang lahat?
5.9K viewsOngoingAdded to Library 188 Times as dumating
Read
+Library
Ang Muling Isinilang na Luna

Ang Muling Isinilang na Luna

Inisip ni Crimson na namatay siya bilang isang tao na minahal niya na tinitigan siya ng poot sa kanyang mga mata, lamang na magising dalawang taon na ang nakalilipas nang hindi niya ipinakita sa kanya ang kanyang tunay na kulay. Ang buhay ay nagbigay sa kanya ng isa pang pagkakataon at maaari mong siguraduhin na gagamitin niya ito para sa paghihiganti. Sa kanyang nakaraang buhay siya ay nagkamali sa pamamagitan ng pagiging masyadong mabait at walang muwang, at nagtitiwala sa mga hindi niya dapat. Siya ay ipinagkanulo at nasaktan ng kanyang kapatid na babae, at ang kasintahan at sa proseso ay nawala ang lahat ng mayroon siya, kasama na ang kanyang buhay. At kapag binigyan siya ng pangalawang pagkakataon upang mabuhay, nanunumpa siyang maghiganti sa mga masasamang tao. Alam ang lahat sa oras na ito, dumating siya kasama ang kanyang paghihiganti na naghahatid ng malamig, at medyo handa na. Ang tanging hindi niya inaasahan ay nahahanap niya ang tunay na pag -ibig sa hindi bababa sa posibleng tao na inaasahan niya, lalo na ang isa na nasaktan niya sa kanyang nakaraang buhay.
10531 viewsOngoingAdded to Library 18 Times as dumating
Read
+Library
Yugto

Yugto

Fourthpretty
Mina Cortez, ang binibining may kakaibang wangis. Napakaputla ng kaniyang balat at maging ang kaniyang buhok ay naiiba rin. Mayroon siyang asul na mga mata at nagtataglay ng kahali-halinang kagandahan. Buong buhay niya ay umikot lamang ang kaniyang mundo sa loob sa kanilang tahanan at walang ibang nakasalamuha maliban sa kaniyang ama at ina. Lingid sa kaniyang kaalaman ay may isang binata ang lubos na humahanga sa kaniya noon pa man. Ito ay ang binatang si Joeliano Crisologo na nalalapit na maging isang ganap na doktor. Lubos ang kaniyang paghanga sa dalaga mula noong una niya itong makita. Ninais niyang mapalapit sa dalaga ngunit hindi iyon gano`n kadali sapagkat kinailangan niyang bumalik sa bayan kung saan siya namulat. Ipinangakoo niiya sa kaniyang sarili na hahanapin niya ito sa oras ng kaniyang pagbabalik sa Cavite. nang dumating na ang araw na kaniyang pinakahihintay ay may hahadlang upang sila ay tuluyang magkalapit. Ano ang mangyayari sa kanilang pag-iibigan kung sa umpisa pa lamang ay hinid na magtagpo ang kanilang landas patunngo sa isa`t-isa.
108.0K viewsOngoingAdded to Library 207 Times as dumating
Read
+Library
Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog

Give Me A Chance (The Broken Hearted Single Mom) Tagalog

Jhennie Myler
Isang maunawain, masipag, malambing at mabait na asawa si Janine, kaya naman nakatagpo rin siya nang isang responsableng lalaki si Rigor. Masaya ang buhay mag-asawa nila, kahit na tila hindi tanggap ng kanyang ina si Rigor, ganun rin naman ang mama ni Rigor sa kanya. Ngunit hindi iyon naging hadlang sa pagbuo nila ng masayang pamilya. Ngunit sa hindi inaasahan ay makakagawa ng matinding kasalanan si Rigor iyon ay ang nagawa niyang pagtaksilan ang kanyang asawa. Magawa kayang patawarin ni Janine si Rigor para sa buo at masayang pamilya nila o tuluyan niyang kalimutan ito at baguhin ang sarili. Paano sa pagbabago niya ay muling may dumating na bagong lalaki sa buhay niya. Sino ang pipiliin niya ang lalaking minahal niya noon at winasak ang puso niya o ang lalaking muling nagparamdam ng pagmamahal sa kanya?. "Gusto ko nang makakausap, pero wala akong makausap." "Gusto kong umiyak, pero wala akong maiyakan." "Gusto kong umalis, pero wala akong mapupuntahan." "I need a comfort but nobody's care. I want to run to leave the problem. But the world was so cruel. My grief seems endless." -Janine Mhae Santos-
4.6K viewsOngoingAdded to Library 160 Times as dumating
Read
+Library
Entangled With Three Billionaires

Entangled With Three Billionaires

Sa loob ng dalawampung taon, namuhay si Lia bilang perpektong anak ng mga Montellano—hanggang sa bumalik ang tunay na anak ng pamilya. Bigla na lang siyang nawalan ng halaga sa kanila, pinalayas, at iniwan pa ng fiance niya. Wala siyang nagawa kundi lumipat sa isang maliit na apartment, bitbit ang pangarap na mamuhay nang tahimik at malaya. Ngunit ang kalayaang gustong makuha ni Lia ay naging magulo nang sabay-sabay na dumating ang tatlong makapangyarihang lalaki. Si Caleb, ang striktong CEO; si Jax, ang rebelding underground racer; at si Julian, ang tahimik pero possessive niyang professor. Lahat sila ay may kanya-kanyang obsesyon sa kaniya at handang mag-away-away makuha lang siya ulit. Habang pilit na tinatakasan ni Lia ang gulo na dala nila, isang malaking sikreto ang mabubunyag—siya pala ang matagal nang nawawalang anak at totoong tagapagmana ng pinakamayamang pamilya sa bansa. Sa pagbawi niya sa posisyong para talaga sa kaniya, hahayaan ba niyang makontrol ulit siya ng pag-ibig ng isa sa kanila, o siya na mismo ang magpapatakbo sa sarili niyang buhay?
171 viewsOngoingAdded to Library 6 Times as dumating
Read
+Library
The Billionaire's Ugly Wife

The Billionaire's Ugly Wife

Dahil sa isang aksidente nasira ang mukha ni Sonia Salazar. Isang batikan na actress at kilala sa taglay nitong ganda at talento. Sa pagbabago ng kaniyang mukha ay kasabay 'non ang pagbabago ng mga tao sa paligid niya. Iniwan siya ng kaniyang asawa, kinatakutan ng anak at tuluyang nasira ang kaniyang career. Pinalayas din ito sa mansion ng mga Valencia at tinalikuran ng mga inaakala niya na kaibigan. Sa pag-aakala na iyon na ang katapusan at sa pagkakataon na malapit na siya sumuko. Dumating ang dalawang tao na tuluyan na magpapabago sa buhay niya. "Mommy!" "Sonia." Lumapit ang dalawang tao na 'yon habang ang mga camera ay kumikislap galing sa iba't ibang bahagi ng lobby. "Pasensya na ngunit nagmamadali kami ng asawa at anak ko. Malapit na mag-start ang movie," ani ni Fabian habang hawak sa bewang si Sonia na nakatingala at nakatingin kay Fabian na buhat ang anak na si France. Noong nagtama ang mata nilang dalawa kasunod 'non ang pagyakap ni France sa leeg no Sonia at tumawag ng mommy. "Ibig sabihin si Sonia Salazar ang nababalitaan na second wife ni Fabian Martinez? Oh my gosh! big news ito!"
1023.3K viewsCompletedAdded to Library 628 Times as dumating
Read
+Library
My Billionaire Boss Offers A Contract Marriage

My Billionaire Boss Offers A Contract Marriage

Nang mangailangan si Celestine Alarice Reyes ng malaking halaga para sa pagpapagamot ng kanyang ama, wala siyang ibang malapitan kundi ang kanyang amo na si Lucian Kael Montecarlos. Ngunit ang perang ipinahiram nito ay may kapalit. Isang contract marriage. Dahil sa desperasyon, pumayag si Celestine na maging asawa ni Lucian sa papel. Ang akala niya ay isang simpleng kasunduan lamang iyon na matatapos sa itinakdang panahon. Ngunit habang tumatagal ang kanilang pagsasama, unti-unting nabubura ang hangganan sa pagitan ng pagpapanggap at totoong damdamin. Hanggang sa dumating ang araw na kinailangan niyang mawala. Makalipas ang ilang taon, muling nagkrus ang kanilang landas. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na lamang si Celestine ang nasa harapan ni Lucian. Kasama niya ang batang lalaking may parehong mga mata ng bilyonaryo. Ang babaeng minsan niyang minahal ay nagtago ng pinakamalaking sikreto sa kanya—ang kanilang anak. Ngayon na muli silang pinagtagpo ng tadhana, handa ba silang harapin ang nakaraan? O tuluyan nang sisirain ng mga lihim ang pangalawang pagkakataong ibinigay sa kanila ng pag-ibig?
109 viewsOngoingAdded to Library 2 Times as dumating
Read
+Library
BILLIONAIRE DADDY'S TWINS: Winning Back the Ex-WIFE

BILLIONAIRE DADDY'S TWINS: Winning Back the Ex-WIFE

Ipinakasal siya sa lalaking hindi pa niya nakikilala. Hindi dumating si Timothy Richmon sa araw ng kasal nila ni Zennara Reyes ngunit sa papel ay tunay na silang mag-asawa. Ang kasal na walang pagmamahal at ni minsan ay hindi man lang umuwi si Timothy sa bahay nila ng kanyang asawa. Hanggang sa isang araw ay pinaghandaan ni Zennara ang pag-uwi ng kanyang asawa. Nais niya itong makita kaya sasalubungin niya sana ito sa Airport.  Ngunit sa hindi inaasahan na pagkakataon ay may lalaking bigla na lang humila sa kanya at dinala siya sa madilim na lugar. Malakas ang lalaki at hindi niya ito kayang labanan. Pagkatapos ng nangyari ay lumabas ang lalaki at nangako ito na babalik. Ngunit nakatanggap si Zennara ng tawag mula sa secretary ng kanyang asawa na nais nitong makipaghiwalay na sa kanya. Ang kanilang kasal ay nauwi sa diborsyo. Umalis ng bansa si Zennara at sa kanyang pagbabalik ay may kasama na siyang dalawang cute na bata.  Ano ang gagawin ni Zennara kapag nadiskubre niya ang isang malaking lihim? Ang lihim na hindi niya inaasahan.
9.5103.4K viewsOngoingAdded to Library 3.4K Times as dumating
Read
+Library
PREV
1
...
2223242526
...
40
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status